Chapter 23

159 10 0
                                        

Ang Una't Huling Rosas


Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng makitang pamilyar saakin ang lugar na pinagdalhan niya saakin pero hindi na ako nagsalita at hinayaan siya, okay na saakin na makitang nakangiti siya habang kinukuwento saakin ang tungkol sa pinaka-paborito niyang lugar at ito nga iyon.




Nang tuluyan kaming maka-punta sa rooftop ay masasabi kung mas maganda sa gabi ang view dito mula sa rooftop dahil sa mga ilaw ng mga sasakyan at mga naglalakihang gusali lalo na ang kalangitan na punong-puno ng mga nagagandahang bituin at syempre hindi mawawala ang pinaka-gustong makita sa kalangitan at iyon ay ang kagandahan ng buwan.




Kaagad akong sumandal sa railings ng rooftop napapikit ako ng biglang umihip ang malamig na hangin.




" Ang totoo niyan tuwing gabi talaga ako nagpupunta rito kase mas maganda ang view pero dahil sa abala narin ako ay madalang nalang ako magpunta rito." Napamulat ako ng aking mga mata ng maramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, nilingon ko siya at hinarap.




" Mabuti at hindi nagagalit yung may-ari ng hotel na ito dahil nagpupunta ka rito." Umiling siya at ngumisi saakin.




" Hindi magagalit saakin si tita Emelez." Saad niya.




" Naalala ko tuloy tatlo kaming madalas dito ng mga pinsan ko at dito tumatambay pag may probelama kami." Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla kung naalala yung nakilala ko ditong lalake noong may party ditong naganap noon at nang mapunta ako rito.




Ang kaso nakalimutan kona ang pangalan niya pero hinding-hindi ko makalilimutan ang mukha niya.




Hindi kaya ang tinutukoy ni Alhex ay iyong lalakeng iyon, nabanggit din kase saakin noong lalakeng iyon na madalas din daw silang ng mga pinsan niya rito ang kaso masyado daw busy ang mga ito kaya siya nalang ang nagpupunta rito sa rooftop.




" Tapos dito kaya nagdadala ng mga naging girlfriend niyo?" May pait na tanong ko sakaniya pansin ko na natigilan siya.




Napairap ako dahil mukhang tama nga ako. Pero bakit ganun? Bakit ako nakararamdam ng ganito? Bakit ako nakakaramdam ng kirot at pait?




" Nakakahiya mang aminin pero...." Utas niya, salubong ang kilay na nilingon ko siya dahil doon. " Ikaw palang.....ang unang babae na dinala ko rito." Naka-iwas tingin na dugtong niya, napamaang ako sa sinabi niyang iyon. S-seryuso?




Napababa ang tingin ko at doon ay kitang-kita ko ang mga sasakyan sa baba at ang mga sweet couple na naglalakad may mga ilan ding studyante na sa palagay ko ay papauwi na.




" Ahm...ehem!" Muli bumalik ang tingin ko sakaniya na nahuli kung nakatingin saakin, nagtaka ako ng mapansin ko ang pamumula ng magkabilaang tainga niya. " Rose's for you." Lintanya niya at sinundan iyon ng tikhim bago nilahad saakin ang dalawang piraso ngunit mag-kaibang kulay ng rosas.




" P-para saan naman ang mga ito?" Nagtatakang napatitig ako sakaniya habang tinatanggap ang rosas na inaabot niya, pinagkatitigan ko ang mga ito kulay puti ito at pula.




" Para saakin ang mga rosas na iyan ay may ibig sabihin." Turan niya habang seryusong nakatitig saakin.




" Katulad ng?"




" Ang puting rosas ay para sa una." Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niyang iyon pero hindi na ako kumontra pa. " At ang pulang rosas ay para sa huli ."




Nagbaba ako ng tingin sa mga rosas at inulit ang mga nabanggit niya sa utak ko.




Ang puting rosas ay para sa una at ang pula naman ay para sa huli. Ano ang ibig sabihin nun?




" That's why, starting from this day, you are the first and last woman I will bring here to the rooftop of Vergara's Hotel." Utas niya na nag-paangat ng aking ulo mula sa pagkakatungo.




Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon, hindi ba at parang masyado naman yatang mabilis ang lahat?




Magsasalita palang sana ako ng bigla nitong hinila ang aking braso dahilan para mapalapit ako sakaniya at kamuntikan pa akong matapilok mabuti nalang at kaagad niya akong naalalayan at pagkatapos nun ay kaagad niyang hinapit ang baywang ko at kaagarang hinawakan ang batok ko at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi kona inaasahan pa.




Nanlalaki ang mga mata ko sa bilis nang mga pangyayari at ang tanging nagawa ko nalang ay ang matulala at magulat sa mga ginawa niya.




Ang tanging nasa isip ko lang sa ngayon ay ang mainit ngunit malambot na labi niya na nakalapat saaking labi maya-maya lang ay nagsimula iyong gumalaw at maglumikot kasabay ng mas lalong paghapit saakin ni Alhex papalapit sa kaniyang mainit ngunit malapad na katawan.




Wala na akong nagawa kundi ang mapapikit at mapahawak sa kaniyang malapad na dibdib at tugunan ang mainit na halik na kaniyang binibigay, mula sa malapad niyang dibdib ay iniyakap ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg at mas hinapit siya.




Ramdam ko ang pagngisi niya sa gitna ng mainit na halikan naming dalawa.




" What the heck?!"




Bigla akong napabitaw kay Alhex dahil sa sumigaw na iyon, lumingon ako sa pinanggalingan noon at doon at nakita kung may dalawang tao na kakapasok lang at may dala-dala ang mga ito na mga pagkain at alak yata iyon.




Nanlalaki ang mga mata ng mga ito habang palipat-lipat ang tingin saaming dalawa ni Alhex.




" Tangina! Akala koba hindi ka makakapunta?" Nagulat ako ng biglang binatukan nung isang lalake si Alhex na para bang matagal na silang magkakilala at close sila.




" Sensya na, akala korin e pero tignan mo nandito na ako at....." Biglang napatingin sa kinatatayuan ko si Alhex kaya naman ganun din yung nang-batok sakaniya. " Kasama ko ang fiancee ko." Nakangiting turan ni Alhex dahilan para manlaki ang mga mats nung kasikbay niya habang ako ay biglang nakaramdam ng hiya.




" S-seriously?! Fiancee, wha the fuck? No jokes around, Evan?!" Hindi makapaniwalang turan ng lalake at tinitigan ako sinuklian ko lang ito ng tipid na ngiti. " What the hell? I can't believe this."




" Hey, stop cursing." Saway dito ng isa pang lalake. " Babae yang kaharap mo kaya tigil-tigilan mona ang pagmumura mo, mahiya ka naman."




" Owwws~sorry miss." Biglang hinging paumanhin nito saakin.




" Eren nalang itawag mo saakin."




" Sure." Nakangiting umalis na ito sa harapan ko dahilan para makita ko ang mukha noong lalakeng nanaway sakaniya kanina at nagulat ako ganun din siya saakin halatang hindi niya inaasahan na muli kaming magkita dito.










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now