Chapter 17

198 9 1
                                    

Top Secret Mission


MAKALIPAS nga ang tatlong linggo ay napagpasyahan din ng mga doctor na maaari na daw akong makalabas ng hospital at sa bahay na muling ipagpatuloy ang pagpapahinga ko. Kaya naman ngiting-ngiting ako habang pinapanood ang mga kuya kona inaayos ang mga gamit ko para sa pag-alis na namin dito sa hospital.




Nang matapos na sila sa pag-aayos ay kanya-kanya na silang labit ng mga bag palabas ng kwarto upang mailagay iyon sa kotse.




" Ano okay kana ba?" Napatingin ako kay kuya Nuel na biglang nagtanong, nakangusong tumango ako.




Dahan-dahan akong umangat at umalis sa kama kaagad siyang naglakad patungo sa kabilang side ng kama kung nasan ako at inaalalayan ako.




Habang naglalakad kami sa hallway ng hospital ay nilingon ko si kuya dahil naalala ko yung tungkol sa girlfriend niya. Kamusta na kaya siya?




Nasabi na kaya ni kuya kina mommy at daddy ang tungkol sa bagay na iyon? Na nakabuntis siya? Hayysst.




" Para saan ang buntong hininga nayun?" Tanong niya saakin.




" Ah wala lang kuya may naalala lang kase ako bigla." Tanging nasabi ko nalang tumango lang ito.








HABANG nasa byahe ay napapansin kung panay ang tingin saakin nung tatlo na para bang mawawala ako sa oras na malingat sila. Napakamot ako saaking batok dahil sa ginagawa nilang iyon.




" Ano ba kayo mga Kuya's okay lang ako." Hindi na ako nakatiis at nagsalita na.




" Alam naman namin iyon pero hindi lang namin maiwasan na mag-alala lalo na at ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin." Ani ni kuya Stephan na napakurap-kurap saakin bago ako tuluyang napangiti habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa aking mga luha.




" S-salamat mga Kuya." Mahinang ani ko at dahan-dahang tinuyo ang aking pisngi napatingin ako sa tabi ko kung san nakaupo si kuya Nuel na nakangiti saakin.




Niyakap ako nito at bahagyang hinimas ang aking ulo at hinalikan ako sa noo ko bago bumulong. " Kahit anong mangyari po-protektahan kita....namin, gagawin ko ang lahat maprotektehan lang ang prinsesa ko kahit pa ikamatay ko iyon." Aniya napaluha ako dahil doon niyakap ko si kuya ng mahigpit.




" K-kuya salamat sa lahat.....salamat kase kayo yung mga naging kapatid ko, salamat kase nagkaroon ako ng mga mabubuting magulang at sobrang mapagmahal at mabait na mga kapatid hindi lang basta kapatid kundi mga kuya ko na laging handa akong tulungan at protektahan." Humihikbing saad ko at mas hinigpitan ang yakap sakaniya naramdaman ko naman na humigpit din ang yakap niya saakin. " Mahal na mahal ko kayo nina mommy at daddy mga Kuya's ko." Dugtong kopa at ngumiti ng matamis habang dumadaloy ang luha saaking pisngi.








NANG makarating na kami ng tuluyan ay kaagad akong sinalubong ng mga katulong lalo na si mommy na iyak nang iyak na niyakap ako ng mahigpit at pinugpog ako ng halik sa mukha. Paulit-ulit niya ding tinatanong saakin kung saan may masakit.




Kakauwi lang kase nila ni daddy galing London kaya hindi nila ako nabisita sa hospital dahil may inayos silang mahalagang bagay doon na hindi maaring iwan ng basta-basta.




" Papà kamusta naman po ang inyong pangangampanya?" Biglaang pagtatanong ni kuya Stephan.




" Stephan Jace! Nasa hapag tayo para pag-usapan pa ang tungkol sa bagay nayan." Seryuso at madiin na saad ni daddy, natahimik naman si kuya Stephan at nagpatuloy na muli sa pagkain habang ako naman ay hindi ko inaalis ang tingin kay daddy na seryusong kumakain.




Bakit? Bakit parang may mali?




Sa mga galaw palang ni daddy para bang may iniiwasan siyang may marinig o malaman ako sa mga bagay-bagay. Napalunok ako dahil doon at umiling-iling.




" Is there's something wrong, Eren?" Bigla akong natauhan at napatingin kay kuya Rush na nagsalita, seryuso ang mga mata niya at titig na titig saakin ang mga iyon na para bang may gusto siyang mabasa o makita mula sa mga mata ko kaya naman umiling kaagad ako at nagbaba ng tingin sa plato na nasa harap ko.




Hanggang sa makapasok sa kwarto ko ay binabagabag ako nang kung ano at dahil doon ay hindi ako dinadalaw ng antok kaya naman naisipan kung bumaba nalang sa kusina kahit malalim na ang gabi upang magtimpla ng gatas ng saganun ay gumaan ang pakirandam ko at makatulog na ako.




Nagsalubong ang kilay ko ng mapansin na bukas pa ang ilaw sa kusina kahit pa dapat iyon ay laging nakapatay, naglakad ako palapit rito upang tignan kung may tao at hindi nga ako nagkamali dahil kitang-kita ko ang mga anino ng mga ito mula dito sa labas ng kusina at nag-uusap ang mga ito gamit ang mahinang boses na para bang iniiwasan nilang makagawa ng ingay.




Mas lalo akong nakuryuso kaya naman hindi mona ako umalis kahit alam kung masama ang makinig at makialam sa mga pinag-uusapan ng matatanda ay hindi ko maiwasan ay makuryuso sa mga bagay-bagay kaya naman nakinig mona ako.




" Kailangan mong ipagpatuloy ang pagkalap ng mga impormasyos doon nang saganun ay alam natin kung gagawa sila ng mga hakbang na maaring ikapahamak ng mamá mo at ng mga kapatid mo lalo na ni Eren, ayaw mo naman sigurong mangyari yun tama ba?"




Sa nagsasalitang iyon ay alam kung si daddy iyon dahil sa boses palang niya pero sino kaya kausap niya?




" Kung ayaw mo mapagaya sa pamilya nila ang pamilya natin iwasan mo sana Ang pumalpak sa pagkalap ng mga impormasyon sa pamilayang iyon habang nasa ilalim ka ng samahan nila......" Para akong kakapusin sa hininga dahil sa kaba na nararamdaman ko para sa taong kausap ni daddy at halos kapusin ako ng hininga sa sunod na sinabi ni daddy. " Stephan Jace bilang isa ka Formentera brother's at dahil narin sa isa ka mga ipinagmamalaking magaling pagdating sa pagtatago at pagkuha ng mga mahahalagang bagay ikaw ang itinalaga ko para sa bagay na ito dahil hindi naman maaasan ang kuya Nuel mo dito at mas gugustuhin niya sa hospital at maggamot doon kesa sa bagay na ito habang ang iyong kuya Aarush mo naman ay siya ko namang inaasahan sa kompanya ng ating pamilya."




" Kaya naman ikaw lang ang nakatatatanging makagagawa nito kaya sana hindi mo ako mabigo sa inatakang kung trabaho sayo at huwag mo sana akong bigyan ng kahihiyan Stephan, at bilang ama mo sana gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang protektahan ang pamilayang ito." Seryuso at mahabang lintanya ni ama.




" Masusunod po, Papá." S-si kuya Stephan nga ang kausap ni daddy, nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat sa mga narinig kung iyon.




" Sasabihin ko nalang ulit sa iyong mamá at mga kapatid na pinadala kita sa ibang lugar upang sumagawa ng mga kakailanganin sa kompanya ng kuya Rush mo katulad ng palati kung dinadahilan, sana naman ay maayos ang kalabasan ng lahat at matigil na ang away sa pagitan ng pamilya nila at ng pamilya natin." Matapos iyong sabihin ni ama ay biglang natahimik.




Napatungo ako at handa na sanang umalis ng bigla akong matisod. " Aray!" Malakas na daing ko sa sakit.




" Sinong nandiyan?!"




Para akong natuod sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas at galit na boses ni ama kasunod ay ang mga yabag na palabas na at patungo rito halos habol hininga na ako sa kaba at muntik pa akong mapasigaw ng may biglang nagtakip sa bibig ko at tinulungan akong tumayo at inaalalayan akong magtago sa madilim na parte ng salas. Nanginginig parin ang mga labi ko habang tumitingin-tingin sa paligid at nagdadasal na sana hindi kami makita nila ama at kuya Stephan.










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now