Unang pag-iibigan
Sabay na binati ako nang dalawa habang si kuya Rush naman ay nilampasan lang kami at nagtungo nasa dining room.
" Oyy Eren! Saan ka nanggaling kanina?" Napalingon ako kay kuya Stephan na nakanguso na naman sa harapan ko na akala mo e kina-cute niya iyon.
" Nag-ikot ikot lang kasama si mang william. Nagkasakit kasi si mang jose kaya nakiusap ako kay daddy na kung pwede si mang william muna ang siyang pansamantalang driver ko ngayong araw." Pagpapaliwanag ko dito. Nangakit na silang dalawa na pumunta na kami sa dining room dahil baka nandoon na sina mommy at daddy.
Bago kami makapasok ay madadaanan pa namin sila kayla kasama niya parin iyong babae na naniko sakaniya kanina. Kumunot ang noo ko ng namumula parin ang babae at mabilis na umalis sa kaniyang kinatatayuan at lumipat sa kabilang gilid ng kasamahan niya para hindi namin siya madaanan.
Inakbayan ako ni kuya stephan habang maingat na hinimas ni kuya Nuel ang aking ulo.
" Mommy! Daddy!" Malakas na pagtawag ko sakanilang dalawa at umalis sa tabi ng dalawa kung kapatid. Napangiti si mommy saakin at si sinalubong ako ng mahigpit na yakap habang si daddy naman ay tipid na ngumiti lang at umayos ng upo ganun narin ang ginawa namin ni mommy.
Sa katabing upuan niya ako umupo. Pinagsandok ako nito at nilagyan ng paborito kung ulam na adobong manok at sinigang na hipon sa magkaibang mangkok. Nakangiti ako habang pinapanood ang kaniyang mga ginagawa habang sina daddy naman ay abala rin sa pagkuha ng mga pagkain.
Nag-pray muna kami bago kumain.
Nasa kalagitnaan ako nang pagsubo ng sinigang ng may biglang pumasok sa isip ko.
" Dad, may tanong po sana ako sa inyo. Hindi po kasi nasabi saakin ni Rio." Alanganin na saad ko nangtatantya sa magiging tugon nito. Kunot ang mga kilay na naglipat ito ng tingin saakin bago marahang tumango.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
" Naalala mo papo ba iyong pagmamay-ari na lupain nang mga medina? Iyong malapit po sa gubat."
" Eh anong meron dun hija?" Pagsingit ni mommy habang nagtatakang naglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni daddy.
" May nalaman po kasi ako tungkol doon kanina kaya gusto ko po sanang itanong kay dad." Nakangiti na sagot ko.
" Ano bayun Eren?" Sabay na tanong nina kuya Nuel at Stephan.
Napatingin ako kay dad na tumango lang saakin.
" N-napag-alaman ko po kasi na naipagbili na ng mga Medina ang lupain na ipinama pa ni Don. Vince Jefferson Medina sa mga ito." Ani ko. Kita ko ang pagdaan ng gulat at pagtataka sa kanilang mga mata ngunit naiiba ang kay daddy.
" Dad may alam ka po ba doon?" Magalang na tanong ko. Napabuntong hininga ito bago nagpalipat-lipat ng tingin sa aming lima nina mommy at nang tatlo kung kuya na mga seryuso din ang mga mukha.
Tumango na naging dahilan para mapasinghap si mommy.
" My goodness, Greg!" Malakas na sigaw ni mommy at bahagya pang napahampas sa mesa kaagad itong pinakalma nang aking mga kuya.
" I'm sorry." Tanging na sabi nalang ni dad ngunit napailing-iling si mommy.
" Bakit mo yun ginawa?! Sayo ibinigay nang Don ang kaniyang buong tiwala dahil alam niyang ibabayad utang lang sa mga sugal ang lupa na iyon ng kaniyang mga kaanak lalong lalo na ang mag-asawang sina Rowell at Jenneth!" Galit na sigaw ng aking ina kay daddy.
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
