Chapter 10

271 19 3
                                        

His Name

Nang mag-angat ako ng tingin ay para akong sinampal dahil doon ay naabutan kong nakatitig saakin iyong lalakeng may berdeng buhok habang may nakapaskil na nakakalukong ngisi sa mga labi nito.




Sandali lang ay dahan-dahan na siyang naglalakad papunta sa tubig hanggang sa tuluyan ng lumubog ang kalahati nang kaniyang katawan ng malalim-lalim na ay doon na siya sumisid. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko ito makita.




Nalunod ba siya? Nalunod ba talaga siya?




" AAAHHHHHH!!!!!!" Napatili ako ng may biglang humawak sa legs ko at pilit itong hinihila. Nagpapasag-pasag ako sa tubig nagbabasakali na bibitawan ako ng kung sino man ang nakahawak sa mga binti ko.




Nang mabitawan nito ang isang paa ko ay buong pwersa akong sumipa sa ilalim ng tubig sa kung saan parte ng katawan nito bigla naman nawala ang dalawang kamay nitong mula sa pagkakahawak sa mga binti ko.




" Aww....fuck." Nagsalubong ang kilay ko nang may kung sino ang dumadaing sa likuran ko nilingon ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita si green hair guy.




" Gree----- ay anong ginagawa mo?" Ako.




Napaharap ito saakin habang nakangiwi. " Ang lakas mo pala sumipa no?Hahaha." Ngiwing turan nito.




Napataas ang kilay ko dahil doon.




" Sa sobrang lakas baka hindi na ako makabuo pa ng pamilya." Tatawa-tawa ito at lumapit saakin. Kaagad akong napalayo dahil ngayon lang pumasok sa utak ko na siya ang walanghiya na humihila sa hita ko.




" Walanghiya." Singhal ko dito.




" Ang harsh ah."




" Magkaibigan nga kayo ng lalakeng iyon, isang walang modo at walanghiya." Utas ko na ikinatawa niya nang bahagyan.




" River." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.




" Anong river? Hoy hindi ka ba marunong tumingin sa paligid talon to no hindi ilog." Saad ko na siya ding dahilan para madagdagan ang inis ko dahil tanging tawa ang naging tugon nito.




" Hindi ko alam na nakakatawa ka pala, Hahaha." Turan nito habang iiling-iling ngunit nakangiti. "R.I.V.E.R. as in River, ang pangalan ko." Naglahad ito ng kamay na tinanggap ko din naman kaagad.




" Eren, yan nalang itawag mo sakin."







" GANUN ba? Ano naman ang family business niyo?" Kahit nagtataka dahil kanina pa siya tanong ng tanong tungkol saakin at sa pamilya ko ay hindi ko nalang din iyon masyadong pinansin at sumagot nalang.




" Actually may sarili kasi akong kompanya dahil ayukong umaasa lang sa pinaghirapan nang parents ko, kasalukuyan kasing yung brother ko yung humahandle nang family business namin dahil mas sakaniya kami nagtitiwala." Utas ko.




" Wow... Now you're impressing me ha, HAHAHA." Nakangising turan nito na siyang ikinakagat ng labi ko.




" E-eh ikaw ba?Anong klaseng negosyo ang meron ka?" Tanong ko dito, bigla naman nabitin ang tawa nito sa sinabi ko.




" Ako? The truth is that I own a wine company and I named it "Wine River." It's just that I don't have any other business." Nakatawang saad nito habang napaisip pa. Napanganga ako dahil pamilyar saakin ang pangalan nang inumin na iyon dahil minsan ko na iyon nakita isa sa mga wine cellar ni na kuya at daddy.




GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now