Chapter 37

158 8 0
                                        

PAPATULOG na ako dahil sa sobrang pagod dahil nga sa ginawa naming pagma-mall ni Dem, astang hihiga na ako ng makarinig ako ng pagkatok na nagmumula sa pinto ng aking kwarto.




" Sino yan?" Kunot noong tinignan ko ang pintuan ng kwarto ko.




" Señorita! Ang sir Clover po nasa baba." Rinig kung sagot ng kung sino mula sa likod ng pinto.




Kaagad akong napabangon at napatayo sa aking kama at kaagarang sinuot ang tsenelas ko at salubong ang kilay na binuksan ang pinto, sumalubong saakin ang tensyonadong mukha ng isang may edad ng maid kaagad itong napatingin saakin.




" Naku, Señorita pasensya napo sa istorbo napag-utusan lang po ako nang iyong ina." Hinging paumanhin nito.




" No, it's okay." Tanging nasabi ko nalang kaya naman nakahinga ito ng maluwag. " By the way, nasan siya?"




Kaagad itong naalerto at naunang maglakad saakin kaya naman sumunod ako rito at ng marating ang hagdan ay kaagad siyang naglakad pababa kaya naman hiniwakan ko mona ang night dress ko at maingat na naglakad pababa.




Habang pababa ng hagdan ay narinig kung nagkakagulo sa baba kaya naman kahit nag-aalangan ay minadali kona agad ang makababa.




" Anong nangyayari dito?" Sigaw ko ng dahil doon ay sabay-sabay silang napatingin saakin bahagyan pang nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang pamilyar na bulto.




" Señorita Erenella! Jusko ang sir Clover po." Salubong saakin ni Manang Linda na kitang-kita ang pag-aalala para sa lalake.




" Bakit ano ba ang nangyari sakaniya?"




Imbis na sagutin ako ay tumabi ito kaya naman napalipat ang tingin ko sa kanina lang ay natatakpan ng ginang, namilog ang mga mata ko sa nakita. " What the heck?!"




Galit kung tinitigan ang lalakeng lasing na lasing at parang halos hindi na makakatayo pa at makakalakad kaya naman nakabulagta nalang ito sa malaking sofa dito sa sala ng mansyon. Napatampal ako saaking noo ng makitang sabog ang lalake at bahagyang naalis na ang tatlong bitones sa pagkakasabit nito ng kaniyang suot na button down long sleeve polo, lumapit ako rito at tinampal-tampal ang pisngi nito ngunit ang walanghiya ay umungol lang at bumaloktot ng higa sa sofa.




" Eren, ikaw na bahala sakaniya total fiance mo naman yan at kung may hindi kayo pagkaka-intindihan ay ayusin niyo na habang maaga pa." Seryusong saad ni mommy tumango naman ako kaya naman nagpaalam na itong aakyat sa kaniyang kwarto.




Maya-maya lang din ay nagsi-alisan narin ang mga maid hanggang sa kaming dalawa nalang ni Clover ang naiwan dito sa sala, nilingon ko ang lalake.




Napasinghal ako at handa na sana itong sapakin nang bigla akong mapatingin sa lalakeng kalalabas lang ng pinto ng kusina at may hawak na baso sa kamay.




Tumayo na ako at hinarap ito. " Ikaw ba ang naghatid niyan dito?" Salubong ang kilay na tanong ko sa lalake.




Napatingin ito saakin at napasimangot bago umismid. " Oo, no choice e, takutin ba naman ako na isisiwalat niya ang lahat ng sekreto ko sa girlfriend ko." Nakasimangot ito na naupo sa single sofa na katapat lang ng sofa na kinahihigaan ni Clover at inis na pinagkatitigan ang pinsan.




" Bakit hindi mo sakanila siya inihatid imbis na dito? Eh, kung tutuusin mas malayo ito kumpara sa bahay ng mga magulang niya." 




" Dito niyan gusto e, para ngang tanga habang nasa bar kami hanggang sa byahe ba naman." Nakaismid na turan pa nito habang tinitignan parin ang pinsan na masarap ang tulog sa tapat.




" Bakit?" Usisa ko rito.




Nag-angat ito ng tingin saakin at seryuso akong pinagkatitigan.
" Paulit-ulit siyang nagmamakaawa."




" Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga katagang ' Ako nalang, please' at ' Mahal kita at kahit hindi mo man iyon masuklian, okay lang basta ba hindi mo ako iiwan'." Napalunok ako sa mga narinig. Seryuso ba? " Para ngang sirang plaka e, payakapin ba naman ako habang nagda-drive tas magmamakaawa akala yata ako ako ay ikaw." Iiling-iling pa na turan nito.




" G-ganun ba? Ah, sige maraming salamat sayo Klev."




Tumango ito at tumayo na. " Sige, una nako." Inayos nito ang sarili bago magbaba ng tingin at ngumiti habang pinapanood si Clover na ngayon ay nakalaylay ang mahahabang binti dahil sa hindi ito kasya sa sofa na kinahihigaan niya dahil nga sa may kalakihang tao.




" Ikaw na bahala sa isang yan at aalis na ako dahil may pupuntahan pa ako." Tipid lang akong tumango.










NANG hindi kona kotse ng lalake ay nagbalik na ako sa loob at tumungo kay Clover at marahan itong iniangat mula sa sofa at dahan-dahan isinukbit ang kanang braso nito sa leeg ko matapos ay niyakap ko ito sa beywang bago inalalayang magtungo sa hagdan upang dalhin sa itaas kung saan nanduon ang kaniyang kwarto na dating guest room.




Napapangiwi ako dahil sa bigat ng lalake ka-muntikan pa akong ma-out of balance sa kalagitnaan ng hagdanan kundi kaagad ako napahawak sa railings ng hagdan.




Napahinga ako ng malalim ng mabuksan ang pinto ng silid niya bago muling sarhan ang pinto at inakay ito patungo sa kama nito, kaagad ko itong binitawan kaya naman napaungot ito.




Ang mga binti nitong nakalapat pa sa sahig ay kaagad kong inayos at nilagyan ito ng kumot ngunit napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko astang aalisin ko ito ngunit humigpit iyon. Napasinghap ako sa sumunod na nangyari ng bigla akong nitong hinila dahilan upang mapahiga din ako ngunit sa ibabaw niya habang kapwa magkalapat ang mga labi namin.




Shitah!




Pakirandam ko ay bigla akong naparalisa dahil sa init na dala ng mga labi nito at mas lalo iyong nadagdagan ng ang mga braso nito ay nagsimulang lumapat saaking beywang at batok, at mas lalong lumalim ang makapugtong hiningang halik na ginagawad nito saakin.




Sa tinagal ng panahon ay ngayon ko nalang ulit ito naramdaman.




Napatuon ang aking mga palad sa malapad nitong dibdib ng mas bahagyan pa ako nitong hapitin palapit sa katawan niya. Habang magkapatong ang aming mga labi ay pinagkatitigan ko ang lalakeng nakapikit at walang kamalay-malay sakaniyang mga pinag-gagawa at habang tinitignan ko siya ay mas lalo kong napatunayan na gwapo talaga ito at mas nakadagdag pa sa kaniyang dating ay ang mga mata nito.




Kahit pilit kong itinatanggi sa sarili ko noon sa mahabang panahon na kasama ko ang lalake ay kahit ako ay talagang namamangha sa lalake at habang magkasama kami ay utay-utay ko ng nararamdaman ang kung anong emosyon na hindi ko matukoy lalong-lalo na kung tuwing maglalapat ang aming mga balat at tuwing magkasalubong ang aming mga mata at pilit ko iyong tinatakpan dahil ayuko nun.




Ayuko ng ganung pakirandam, hindi maaring makaramdam ako ng pagkagusto sakaniya hanggat maari ay pipigilan ko ang sarili ko habang maaga pa.




Pero......




Kahit ngayon lang, ngayon lang gabi ay pagbibigyan ko ang sarili ko.




Napangiti ako at pumikit narin at ginantihan ang mainit at makapugtong hiningang halik na ginagawad saakin ni Clover.




Ngayon lang....kahit ngayon lang ay hahayaan kong mahulog ang sarili ko at pagkatapos nito ay doon kona tatapusin ang lahat.










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now