Chapter 12

272 18 3
                                        

Rooftop


"MAGANDA NGA."




" Maganda nga parang ikaw." Bigla akong sinibulan nang kaba dahil sa malalim na boses na iyon, lumingon ako dito at doon ay isang lalake na naka tuxedo ang nakita ko na bahagyang nakangiti saakin.




" A-ahmm----ano." Utal na turan ko habang pinagkakatitigan ang lalake. " S-sino ka?" Tanong ko dito habang pilit tinatakpan ang kabang nadarama .




Ngumiti ito nang malapad at naglahad ng kamay saaking harapan.




" I'm Clover, by the way. Nice to meet you, miss." Ngiting usal nito. Napatitig ako sa mukha nito dahil parang pamilyar siya saakin, pero hindi ko matandaan.




" I'm Eren, nagkita na ba tayo dati?" Tanong ko dito dahil pamilyar talaga siya saakin.




" Hindi ko din alam e, sa rami na kasi nang nakakakilala at nakakasalamuha ko e baka hindi na talaga kita matandaan pa." Napatango nalang ako at muling bumalik sa dating pwesto at inabala ang mga mata sa kalangitan.




Naramdaman ko naman ang kaniyang pagsunod nilingon ko ito tumigil siya sa tabi ko bago tumalikod at sumandal sa railings ng rooftop, tumingala siya dahilan para kita ko ang pagtataas-baba ng kaniyang adams apple.




" Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya, napakurap-kurap ako bago nag-iwas nang tingin.




" Oum ano---nawala kasi yung mga kasamahan ko kaya naisipan kung maglibot-libot muna hanggang sa dinala ako ng mga paa ko rito." Ako habang tinatanaw ang maliwanag na kalangitan.




Natahimik naman ito bigla kaya naman lumingon ako dito pero kaagad ding nag-iwas nang tingin ng maabutan itong nakatitig saakin, napakagat labi ako dahil sa kahihiyan.




" Alam mo parang may kamukha ka talaga e." Biglang turan niya na nagpakunot ng aking noo.





Kung ganun hindi lang pala ako ang nakakapansin pati din siya? Pamilyar siya saakin at ganun din ako sakaniya.




" Pero imposible dahil matagal narin simula ng makita ko ito kaya baka namamalik mata lang ako." Nakangiting turan nito at nag-iwas ng tingin saakin, napatitig ako sakaniya dahil sa sinabi niya.




" Ha? Sino ba yung sinasabi mo?" Naiilang na tanong ko sa lalake na para bang biglang natigilan sa sinabi ko.




" Oum---- isa lang sa mga naging kaibigan ko noon kabataan ko pa, pero matagal narin yun kaya baka nakalimutan na ako ng taong iyon." Siya.




Naputungo ako dahil nakaramdam ako bigla ng paninikip ng dibdib? A-ano to? Ba't ako nakakaramdam ng g-ganito?




Muling napaangat ang aking tingin ng marinig ko ang malalim niyang pagpapakawala ng hininga.




" Ang ganda dito." Ani ko habang masayang tinitignan ang kalangitan na nagninining dahil sa mga bituin isama mo pa ang liwanag na nanggagaling sa buwan.




" Kaya nga naging favorite place ko ito, dahil maganda talaga dito lalo na pag-gabi katulad nito." Ngiting turan niya saakin. " Ang totoo niyan is kaming magpipinsan ang madalas ditong tumambay pero sadyang busy yata sila kaya ako lang nakapunta, pero nagpapasalamat parin ako dahil nandito ka para samahan ako."




" Wala yun." Tanging na sabi ko nalang dahil nauubusan na ako ng mga sasabihin sa gwapong nilalang na nasa harap ko.




" Faith."  Hindi ko alam kung nabibingi lang ba ako dahil narinig kung binanggit niya ang pangalan pero dahil ayukong mag-assume at mapahiya ay hindi nalang ako nag-react pa at nanahimik nalang.




Lumipas ang tatlong oras na nakatambay lang kami sa rooftop at nagkwekwentuhan kung minsan naman ay kinakain ng katahimikan ang buong rooftop.




Nasa kalagitnaan kami ng pagkwekwentuhan ng biglang nag-ring ang phone ko ngunit hindi ko ito nasagot kaagad kaya naman isang text nalang ang natanggap ko.




Aarush Formentera sent you a message.


From: Aarush

(1) Where are you?

(2) Uuwi na, lasing na si steph.


To: Aarush

K.



Napaangat ang tingin ko sa kasama ngumiti ito saakin.




" A-hmm.... Uuwi na kami, ayos lang ba sayo mag-isa dito?" Nag-aalalang tanong ko dito ngunit ngumiti lang ito saakin bago tumango.




" Okay lang, uuwi narin naman kasi ako maya-maya lang." Utas nito.




Umalis na ako doon at naglakad na pababa ng hagdan hanggang sa makarating na ako sa labas ng hotel dahil wala na daw sina mommy at kuya sa loob sabi ng isa sa mga kabarkada ni kuya stephan.




Doon nga ay naabutan kong nag-aabang si kuya Rush sa labas at matalim ang mga matang nakatingin saakin.




" Saan ka ba nagpupunta? Kung naiwan ka namin edi uuwi ka mag-isa?" Iritang saad nito habang sinusundan ako ng paglalakad papunta sa kinaruruonan ng limousine.




" Hindi naman ako naiwan ah? Okay sorry."




" Kaya nga halimbawa nalang kung naiwan ka." Irita ang boses na pagpapaalala niya saakin, umirap ako dahil ito na naman kami.




" Okay sorry na po kuya." Tanging nasabi ko para matapos na, tumango nalang ito ng tipid.








NANG makarating sa bahay ay kaagad na lumabas si na mommy at daddy, habang binubungangaan ni mommy si kuya Stephan na ngingisi-ngisi lang at parang tangang sisiring-siring na naglalakad papasok.




Hindi kasi hinayaan ni mommy na alalayan papasok ng bahay nina kuya Rush at kuya Nuel ang lalake para daw matuto ito.




" Napaka-immature mo talaga stephan, ganyan ka nalang ba talaga pag-iiwan ka ng isa sa mga babae mo?" Galit na turan ng aking ina habang nakatayo sa tapat ni kuya na nakaupo sa sofa at nakatungo lang.




" Kung iyang pangbabae mo e, tinutulungan mo ang kuya mo sa paghahandle nang kompanya ayos pa sana."




Sinenyasan ako nina kuya at daddy na umakyat na sa kwarto at magpahinga, tumango naman ako.




Pagod na tinanggal ko ang mga alahas sa katawan at hinubad ang heels pati narin ang dress bago hubad na naglakad patungo sa banyo at doon ay nagbabad sa bathtub, nakapikit ang matang ibinabad ko ang aking katawan sa maligamgam na tubig na may kahalong bula.




Hindi naman din ako nagtagal pa dala narin ng antok at pagod at nagbihis na kaagad bago nagtanggal ng make up, bago nag skin care at nagpasyang magtungo sa kama.




" Ang sakit ng katawan ko." Daing ko at minamasahe-masahe ang mga paa,bente,balakang at leeg na sobra ang sakit.




Humiga na ako ng maayos at inabot ang comporter upang ibalot saakin katawan dahil sa lamig na nararamdaman, napatingin ako sa aircon na mahina naman ang bukas.









( 06-29-22) 1:58 pm

^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now