Chapter 1

320 19 3
                                    

Maligayang pagbabalik


Napatingin ako sa labas ng kotse kung saan ay maraming mga sasakyan ang lumalampas sa kotse na siyang pagmamay-ari ng magulang ko.



Muli kong sinulyapan ang airport bago kami tuluyan makalayo, Kakasundo lang saakin ng family driver namin.



Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya naman kaagad ko itong sinagot.



" Hello?" Bungad ko dito nakarinig naman ako malakas na irit kaya naman napatawa ako ng mahina dahil doon dahil kilalang-kilala ko kung sino ito



" Mamá naman mamaya na, kakausapin ko pa si Eren." May halong inis na lintanya ni kuya Rush dahilan para mapangiti ako kahit kailan talaga napaka-sungit niya.



" Gusto ko rin naman makausap si Erenella ano ba't pinagdadamot mo pa Rush." May galit na turan ng aking ina sa pangalawa kong kapatid.



" Bro bigay mona baka magwala pa si mamá." Rinig kong usal ng pangatlo kong kapatid na si kuya Stephan na halatang nang-aasar.




" Ano ba naman kayo mga kuya, Inaasar niyo na naman si mommy eh." Nakangiting usal ko habang nakatingin sa labas ng bintana na kasalukuyan nang umuulan ng mahina.



" Erenella, I miss you so much." She cries out loud as she says those words, Napangiti ako ng dahil sa sinabi niya.



"I miss you too, mom." I said while smiling sweetly.



" Honey, kaka-video call niyo lang kahapon ng anak mo kung makaiyak ka naman parang hindi kaya nagkausap at nagkita ng isang taon." Napailing at napatawa ako sa binitawang salita ni daddy.



" OH SHUT UP GREGORY!!!"



Natahimik naman si dad habang naririnig ko sa kabilang linya ang tawanan ng aking mga nakakatandang kapatid napapailing nalang ako sa kaguluhan ng aking pamilya.









NAPAMULAT naman ako ng maramdan na tumigil na ang sasakyan namin kaya naman napaayos ako ng pagkakaupo, Nilibot ko ang aking paningin sa aking paligid napakunot ang noo ko ng mapansin tumigil kami sa palayan.



Tinanggal ko ang headphone ko at nag-unat unat bago napagpasyahan na lumabas ng sasakyan namin.



Ng tuluyan akong nakalabas ay napatingin-tingin ako sa paligid may napapalingon saakin mga magsasaka nginingitian ko lang ang mga ito bago napagpasyahan ng maglakad-lakad.




" Kuya Rolly." Mahinang tawag ko sa driver namin ng makita ko itong nakikipag-usap sa apat na tao.



Napatingin ito saakin ganun din ang mga kausap nito.



" Ay ma'am pasensya napo kung matatagalan pa bago tayo makarating sa Formentera Villa napag-utusan po kasi ako ni sir Greg na dumaan dito para makausap ang mga trabahador dito." Pagpapaumanhin ng lalake habang yumuyuko na pa ulit-ulit senyales ng pagpapaumanhin nito.



Napatingin naman ako sa mga kausap nito kanina na kasalukuyan parin mga nakatitig saakin ngumiti naman ako sa mga ito bago dahan-dahang naglakad.




" Mano po." Magalang kong lintanya habang naglalahad ng kamay bilang pagbibigay galang sa mga nakakatanda ayun sa sinabi ng aking ama.



Tulala namang napatitig saakin ang matanda pero kaagad din itong kumilos at inabot saakin ang kaniyang kamay nakangiti ko naman itong tinanggap at yumuko bago nilapat ang aking noo, Sunod-sunod ko na itong ginawa sa tatlo pang kasunod.



Napapangiti namang napatitig saakin ang mga ginang at ginoo.



" N-napaka ganda mo namang dalaga." Ngiting turan ng ginang napatawa naman ako ng mahina dahilan para mas mamangha ang mga ito.



" Anong pangalan mo hija?" Kuryusong tanong saakin ng isang matandang babae habang may matamis na ngiti na nakapaskil sa mga labi nito.



" Erenella Formentera po."









" GOOD evening señorita." Magalang at sabay-sabay na bati ng mga katulong habang nakayuko bago nagsimula ng maglakad palapit saakin para kuhain ang aking mga labit na maleta.



" Magandang gabi din." Nakangiting bati ko.




Hinubad ko kaagad ang suot kong Loose Fit Coat Beige bago ito tinupi at nilagay ko saakin braso at ang suot ko namang stilleto Ankie Boots ay hinubad ko din na kaagad namang kinuha ng isa sa mga katulong na nasa gilid ko.




Muling may lumapit saakin at inabutan ako ng tsenelas na kaagad ko namang tinanggap at nagpasalamat, Tumayo na ako ng maayos at naglakad na habang kinukuha ang aking cellphone mula sa loob ng aking tote bag.



Nang makuha ko na ito ay kaagad akong tumawag sa aking kaibigan sa london at ina-update ito na nakarating na ako masaya naman ito ng nalaman na ligtas akong nakarating at sinabi pa nito na susunod nalang siya pag hindi na siya busy lalo na at sikat itong modelo sa Canada, France at London at marami rin ang kompanya ang gustong kumuha sakanya kaya naman puno pa ang schedule niya ngayong buwan.



Nang matapos ang tawag agad napakunot ang noo ko ng mapansin na walang katao-tao sa sala pumunta naman ako sa dining area pero wala din kaya naman umalis na ako doon. Pero bago ako tuluyang makalabas ay nagulat ako ng may biglang nagpaputok ng confetti cannon at kasunod nun ay ang sabay-sabay na sigaw ng aking buong pamilya at ng mga maids at drivers namin.



" MALIGAYANG PAGBABALIK EREN!!!!"



May mga ngiti sakanilang labi ng sabay-sabay nila iyong isigaw nakaramdam naman ako ng matinding kasiyahan saakin puso.



Napatingin ako sa side nina mommy and daddy kasama ang aking dalawang kapatid na lalake na sina Kuya Rush at Stephan na may malaking ngiti habang hawak-hawak ang isang chocolate cake kung saan na may nakalagay na ' Welcome Back Erenella Faith Formentera ' sa tuktok nito.



" Welcome back, Anak Eren."



" Welcome back Sis." Magkapanabay na saad nina mommy,daddy at ng dalawa kong nakakatandang kapatid.



" Thank you po, Wait nasan si kuya Nuel?" Tanong ko ng mapansin na wala ang aking panganay na kapatid.



"He's busy with his work, Eren." Turan ni kuya Rush habang seryusong nakatingin saakin.



" Wag kang mag-alala Sis, Hindi ka naman nun makakalimutan sadyang marami lang talagang pasyente siya ngayong gabi na dapat abyarin." Nakangiting lintanya ni kuya stephan tumango naman ako kaya naman kaagad itong umakbay saakin at bumulong.




" Pero may nililigawan na siyang babae sa kabilang bayan." Namilog ang aking mga mata kasabay ng pagbuka ng aking mga labi sa binulong niya.



Nanlalaki ang matang napatingin ako sakanya.



" E-eh totoo?" Hindi naniniwalang saad ko ngunit tanging ngisi lang ang sagot nito pabalik at iniwan na ako at lumabas na sa dining room.










^°^°^°^
I hope you enjoy reading my book.

GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now