Ngiti
" Marunong ka palang mangabayo." Malawak ang ngiting turan ko habang sinusundan siya, kasalukuyan kase kaming nakasakay sa alaga naming kabayo.
" Oo matagal na." Aniya.
" Actually ito na talaga ang libangan ko simula nung high school palang ako." Saad niya. " Ang totoo niyan yung mommy ko ang dahilan at siya din ang lagi kung kasama noon at tinuturuan niya ako pero simula ng mamatay siya madalang ko nalang ito gawin." Nakaramdam ako bigla ng lungkot dahil sa sinabing niyang iyon.
Kaya pala napansin kung yung kuya at daddy niya lang ang kasama niya nung pumunta sila saamin akala ko naman sadyang abala lang ang mommy niya kaya wala ito yun pala matagal na itong wala.
Hindi kona ito tinanong pa kung ano ang kinamatay ng mommy niya dahilan pansin kung parang ayaw niyang pag-usapan iyon at pansin ko rin na nakakuyom niyang palad.
" Nga pala nasabi naba sayo ng daddy mo kung kelan nila gaganapin ang.....kasal?" Umiling siya kaya naman tumango nalang ako at pinatakbo si Malik kita kung nagulat si Alhex sa ginawa kung iyon.
Napatawa ako dahil bigla siyang namutla ng magulat din yung kabayo niya at bahagyang umatras. " Owww easy lang masyado ka namang kabado." Tatawa-tawang turan ko, sumama ang tingin nito saakin pero nilabasan ko lang ito ng dila at pinukon lalo.
Akala ko mapipikon na talaga siya pero natigilan ako ng makitang ngiting-ngiti siyang nakatitig saakin na para bang ako lang ang nakikita niya at wala ng iba pa, nakaramdam ako ng hiya kaya naman hinila ko ang tali ni Malik dahilan para tumalikod ito sa pwesto ni Alhex.
At dahil din doon ay naitago ko ang pamumula ng pisngi ko, napahinga ako ng malalim.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng nagpunta sila sa bahay at ungkatin ang tungkol sa kasal.
" Umuwi na tayo baka nagugutom kana." Bigla akong napalingon sa gilid ko, hindi ko napansin na nasa gilid kona pala siya.
" A-ah sige, sakto nagugutom na nga ako." Kakamot-kamot sa ulo na saad ko, napatawa siya dahil doon at pagkatapos ay ngumiti saakin ng malawak dahilan para matulala ako.
Napapansin ko lang napapadalas na yata ang pagngiti niya at pagtawa.
TAKAM na takam na tinitignan ko ang mga pagkain sa harapan ko. " Wow mukhang masarap lahat ah."
Nang dahil sa sinabi kung iyon ay nagtawanan sina Kayla at Viana habang iiling-iling naman si Kuya Rush.
Hindi ko alam kung bakit siya narito e dapat nga abala siya sa trabaho niya mukhang gusto niya maging third wheel dito. " T-teka anong ginagawa mo?" Gulat na saad ko ng makita ang ginagawa ni Alhex.
" Nakakabulag na pala ang pagkakaroon ng fiance, hindi ko alam yun ah." Bulong-bulong ng magaling kung kapatid rinig ko naman ang pagtawa ng dalawang babae sa gilid ni Kuya Rush na seryusong nagta-type sa loptop niya.
Napabusangot ako at nag-angat ng tingin sa katapat ko na nakangiti lang at abala sa paglalagay ng pagkain sa sariling plato niya, bigla itong tumingin saakin at nagtatanong ang mga mata. " Gusto mo pabang dagdag ko yang pagkain na nasa plato mo?" Tanong niya umiling lang ako habang nakangusong hinawakan ang kutsara at tinidor bago nagsimula nang kumain.
Tapos na akong kumain at ganun din si Alhex na ngayon ay nakikipag-kwentuhan at tawanan na kina Kayla ito namang si Kayla makatawa akala mo hindi niya dati sinusungitan si Alhex at yung pinsan nitong si River, napailing nalang ako at kinuha ang isang baso na naglalaman ng orange juice at sumimsim ako rito habang pinapanood sila.
Bigla namang tumingin saakin si Alhex kaya tinaasan ko ito ng kilay ngunit ngumiti lang ito at tumayo napakunot ang noo ko dahil doon, habol tingin naman sina Kuya Rush sa kilos nito hanggang sa nagtungo ito sa gilid ko at bahagyang yumuko.
Kunot-noo lang ako habang naghihintay sa susunod nitong gagawin, nag-taasan ang balahibo ko sa batok ng tumama ang mainit nitong hininga sa tapat mismo ng tainga ko.
Napasinghap ako at natigil sa ginagawang pagsimsim sa juice, kitang-kita ko kung paano maghampasan sina Viana at Kayla habang pinapanood kami.
" Mamaya dadalhin kita sa paborito kung lugar kung saan ako mahilig tumambay at titiyakin kung masisiyahan ka habang kasama mo ako at habang nasa piling kita." Bulong niya at halos hindi na ako makahinga mabuti nalang at kaagad siyang lumayo.
" Hala-hala si señorita hindi na yata humihinga sa sobrang pagpipigil ng kilig na nararamdaman niya sa ginawa ni sir Alhex." Halos mapairap ako sa ginawang panunuksong iyon ni Viana. Ang dami niya talagang alam e siya nga itong kung makatitig kay kuya Stephan halos matunaw na ang kapatid ko.
Akala niya yata hindi ko siya nahuhuling laging palihim kung makatitig sa kapatid ko pag abala ito.
Tumayo na ako at lumapit na kay Alhex. " Let's go?" Tumango siya pero nagsalubong ang kilay ko dahil hindi parin siya kumikilos at para bang may hinihintay.
" Huy! Problema mo?" Taas kilay na tanong ko sakaniya ng dahil sa ginawa kung iyon parang bigla siyang bumalik sa ulirat niya.
Kunot ang noo na hinabol ko ng tingin ang tinitignan niya at natigilan ako ng mapansin na nakatingin siya sa kamay ko habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. Ano bang problema niya?
Nang mapansin niya na nagtataka na ako ay bigla niyang kinuyom ang palad at tinago nalang iyon sa bulsa ng jeans niya at nauna ng maglakad. Tignan mo tong lalake to! Mang-iiwan pa.
" Teka lang naman ang bilis mo maglakad." Pagkatapos ko iyong sabihin ay binagalan niya kaagad ang lakad niya kaya naman magkapanabay na kami.
Tumigil kami sa tapat ng black BMW pinagbuksan niya ako pinto kaya naman pumasok na ako at naupo sa passenger seat, umikot naman siya para magtungo sa driver seat.
Sinimulan na niyang paandarin ang kotse. " Nga pala saan yung lugar na tinutukoy mo?" Tanong ko habang pinapanood ang mga gusaling at mga iba't-ibang sasakyan na nalalampasan namin.
" Secret." Aniya na nagpa-irap saakin.
May pa-secret secret pa talaga siyang nalalaman ha, saan niya bayun natutunan? Baka kina Viana.
HINDI ko alam na nakatulog na pala ako dahil sa haba ng byahe namin, nagising nalang ako sa isang mahina at maingat na pagtapik sa balikat ko.
"Hey, wake up. We are already here at the place i was talking about. ."
Nagmulat ako ng mga mata at kaagad na bumungad saakin ang gwapo niyang mukha, napakurap-kurap ako at dahil sa gulat ay naitulak ko ang mukha niya dahilan para mauntog siya. " Ouch fuck!"
" H-hala sorry! Ikaw naman kase e ginulat mo ako." Paninisi ko sakaniya at lumabas na ng kotse at dinaluhan siya. " S-sorry talaga, hindi ko naman sinasadya." Hinging paumanhin ko rito.
" It's okay." Aniya at hinilot ang nauntog na parte ng noo at ngumiti saakin kahit pa alam kung nasaktan talaga siya sa nagawa ko.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
Storie d'AmoreIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
