Chapter 2

311 19 3
                                        

Arrogant

Nagbihis lang ako ng simpleng printed t-shirt at high-waist naman sa pang ibaba kaagad na akong lumabas mula sa silid ko at naglakad na pababa ng hagdan kung saan naghihintay ang aking pamilya.




Nang makababa ay kaagad silang kumilos at nagsimula narin lumabas ng bahay, Nakangiti naman akong inintay ni mommy at sabay na kaming lumabas ng bahay ng makarating kami sa kotse ay pumasok na ako at tumabi sa mga kapatid ko habang si mommy naman ay sa passenger seat kung saan katabi niya si daddy na kasalukuyang na magdadrive papuntang bayan.




Lumipas lang ang ilang minuto at nakarating na kami sa bayan kanya-kanya namang baba sila kuya Rush at kuya Stephan.



Napapangiting bumaba naman ako pero kaagad iyon napawi ng may biglang bumangga saakin dahilan para ma-out of balanced ako at mapahiga sa lapag.




May mga malalakas na kamay ang inalalayan ako hanggang sa tuluyan na akong makatayo.




Maluha-luha ang mga matang napatitig ako sa mga kamay kong malagkit-lagkit dahil sa putik na nahawakan ko napababa ang tingin ko sa damit ko at muntik na akong mapasigaw dahil sa itsura ng damit ko, May bahid ito ng putik nalipat ang tingin ko sa tote bag ko na marumi din mangiyak-ngiyak ko itong binitawan.




" Arte." Nagliliyab sa galit na nilingon ko ang nagbitiw ng salitang iyon at doon ay nakita ko ang isang lalake na may pasan na isang timbang tiyak kong mga isda ang laman.




" Anong sinabi mo?!" Galit kong sigaw. Iningusan lang ako nito bago tumalikod at nagsimulang maglakad pero bago pa ito makalayo at binato ko ito ng suot kong plat shoes na hinubad ko pa talaga.




" Fuck it!"Malakas na bulalas nito ng matamaan ko ito sa ulo. Nag-aalab ang mga mata na binalikan ako nito ng tingin.




Dahan-dahan nitong binaba ang timba sa lapag at mabilis na naglakad sa pwesto pero bago pa siya tuluyang makalapit ay kaagad na humarang si kuya Rush na seryuso na naman ang mukha.




"What do you want?" Seryusong tanong ni kuya sa lalake na pilit akong sinusulyapan sa likod ni kuya stephan.




Napatingin ang lalake kay kuya Rush na seryuso ang ipinupukol na tingin sa kaniya. Ngumisi lang ang lalake bago lumipat ang kaniyang tingin saakin at tumalikod na bago nagsimulang maglakad palapit sa timba na nakalapag sa lupa.




Pero bago pa ito makalayo ay sumigaw ako na ikinatigil niya at ikinatingin ng ibang mga tao na napapadaan saakin.




" Walanghiya!" Sigaw ko habang nagpupuyos sa galit ang aking damdamin.




Hinila na ako nina kuya papasok sa van bago pa ako makaagaw ng maraming atensyon sa labas.




"Oh my god! What happened to your sister, Rush and Stephan?" Gulat na tanong ni mommy ngunit hindi na nagsalita pa ang aking dalawang kapatid.








NANG makauwi kami ay tahimik parin sina Kuya Rush kahit maya't maya ang ginagawang pagtatanong ni mommy.




Gulat na napapatingin sa kasuotan ko ang mga maids dahil nga sa purong putek ang makikita sa aking katawan habang hawak-hawak naman ni kuya stephan ang tote bad kong may bahid din ng putek.




" Walanghiya talaga ang lalakeng iyon napaka walang modo." I hate him already.




Naiinis na nagtungo ako sa aking kwarto upang makapaglinis na ng katawan dahil sa hindi ko narin nagugustuhan ang amoy ko.




GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now