allergy
Nagising ako na masakit ang ulo at buong katawan. Napakunot ang noo ko ng makitang nasa hospital ako dahan-dahan akong bumangon kahit pa ang hirap-hirap dahil sa mga nararamdaman kong sakit sa katawanan.
Kapansin-pansin ang pamumula at bakas ng mga rashes sa balat ko medyo parang paga din ang ibang parte ng aking katawan.
" A-ammm...." Pilit kong ibinubuka ang aking bibig upang magsalita ngunit napapapikit lang ako sa sakit na nararamdaman sa aking lalamunan.
Bigla akong napalingon ng bumukas ang pinto ng kwartong kinaruruonan ko.
" Oum~ hi?" Alanganing turan ng babae at naglakad palapit sa lamesang katabi ng kama ko at nilapag doon ang kaniyang bag at isang basket na punong-puno ng mga prutas. Hindi siya pamilyar saakin, never ko siyang nakita o nakasalubong manlang.
Napatingin saakin ang babae at alanganing nagbigay ng ngiti saakin.
" May masakit ba sayo? Pasensya kana ha alam ko naman na nababaguhan ka saakin pero si Rush kase ang nag-utos saakin na bantayan ka." Ngiting-ngiting turan nito at nag-iwas ng tingin saakin.
" W-wa.....la." Hirapan na turan ko at napahawak sa panga ko dahil sa sakit nun.
" Mabuti pa siguro huwag ka mo nang magsasalita lalo na at injured kapa, baka makasama payan sayo." Anito at nilapitan ako.
Tumango lang ako at inayos ang kumot na nasa kalahati ng aking katawan.
" Here." Napatingin ako sakaniya at kunot-noong nagbaba ng tingin sa isang notebook at ballpen na binigay niya saakin.
" Isulat mo diyan ang mga gusto mong sabihin o itanong para hindi ka ma-bored at handa akong sagutin ang mga iyon." Nakangiting saad nito saakin.
Napatiim ang aking mga labi at hindi maiwasan ang makaramdam ng tuwa para sa babaeng ito. Anong meron sakanila ni kuya? Girlfriend ba siya ni kuya Rush?
Sinimulan ko ng magsulat ng itatanong sakaniya at ng matapos ay hinarap ito sakaniya. Nakangiting binasa niya naman ito at nag-angat ng tingin saakin.
( Nasan sina Kuya? At bakit wala sila dito? )
" Nasa kompanya ang kuya Rush mo habang nasa hospital naman si Nuel at si Stephan naman ay nasa bahay niyo." Napatango-tango ako sa babaeng hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi.
Marami akong tinatanong rito na buong puso naman nitong sinasagot.
( May something ba sa inyo ni Kuya Rush? Oh new girlfriend kaba niya? )
Yan ang naging huling tanong ko dahilan para mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at biglang napalitan ng lungkot ang kaninang masisigla nitong mga mata.
" Ang totoo kase niyan........" Hindi na natuloy pa ang kaniyang sasabihin ng biglaang bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok nang sabay si Kayla at Kuya Rush. Napatayo bigla ang babae, kitang-kita ko naman kung paano napunta ang tingin ni Kayla dito ng bahagyan itong lumapit kay Kuya Rush na seryuso at titig na titig sa babae na may matamlay na mga mata.
" Amm...R-rush uuwi na muna ako." Lintanya nito sa mahinang boses. " Emergency kase e kaya pag-pasensyahan mona."
" It's okay." Tipid na turan ni Kuya at nilampasan ito upang magtungo dito sa kaninang kinauupuan ni Ynzia. Yun yung name niya, natanong ko kase kanina.
" Ayos naba ang kalagayan mo ngayon?" Umiling ako sa tanong nito nagbitiw naman ito ng malalim na buntong hininga at tumango-tango.
" Mabuti nalang at naagapan ka rito kaya hindi pa ganun kalala ang pag-atake ng allergy mo, ano ba kase pinagkakain mo? At paano nangyari yun sayo?" Madiing turan nito na sa boses palang alam mo nang nagpipigil ng galit.
" Rush wag mo mona siyang pagalitan at isa pa hindi pa niya kayang magsalita kaya wag mong pwersahin si Eren." Turan ng babae na kaagad namang sinunod ni kuya Rush.
Nalipat ang tingin ko kay Kayla na titig na titig sa dalawa na nag-uusap ngayon ng seryuso bago tuluyan nang umalis ang babae.
" S-señorita mabuti naman po at ayos na kayo. Pasensya napo at hindi po namin alam na may allergy ka pala po sa mga mahahalang." Muli kong inabot ang papel at ballpen bago nagsulat dito.
Nahuli ko pa kung paano kumunot ang noo ni Kuya Rush pero binalik narin naman ang atensyon sa cellphone niya ng tumunog ito bigla.
( Okay lang yun at isa pa wala kayong kasalan dahil ako ang may kagustuhan na kumain nun, hindi niyo naman ako pinilit e. )
Nang matapos niya itong basahin ay niyakap niya ako dahilan para mapadaing ako sa sakit ng magalaw niya ang mga injury ko.
" A-ay sorry Señorita! Hindi kopo sinasadya." Nanghihinang napatawa ako habang namimilipit sa sakit kaagad akong dinaluhan ni kuya.
Tumuwag siya ng nurse.
KAKATAPOS ko lang kumain at kasalukuyan ng nanonood sa tv na nasa loob ng hospital room ko. Nasa gilid ko naman si Kayla at panay ang dadak tungkol sa movie na pinapanood namin kesyo mamatay daw yung kapatid nung bida.
Napapatawa na nga lang ako habang si Kuya Rush ay halatang naririndi na sa ingay na ginagawa ng babae pero hindi naman ako nakarinig ng reklamo mula rito.
Nakatulog din ako kaagad ng matapos kong manood siguro gawa narin sa mga natamo kung mga sugat at dahil mahina pa ang aking katawan ay antukin pa ako at madaling mapagod.
Naalipungatan lang ako ng marinig na nag-aaway si kuya Rush at Kayla sa kung ano pero hindi ko nalang pinagbigyan pansin at bumalik muli sa pagkakatulog dahil ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko at isama mo pa na sobrang kirot ng mga tagiliran ko dahil sa pagtama nito sa mga baitang ng hagdan.
Nakatulog din naman ako ng mahimbing at mapayapa dahil sa wakas ay natahimik ang dalawa ang huling narinig ko nalang kase ay ang pagsara ng pinto at ang pahina na pahina na mga boses ng mga ito. Napailing-iling nalang ako sa loob-loob ko dahil mukhang hindi sila magkakasundong dalawa.
Nagising ako ng may bahagyang tumatapik sa pisngi ko.
Napamulat ako ng mga mata at nag-unat unat bago dahan-dahang umupo at sumandal sa headboard ng kama.
Antok na antok pa ako dahil medyo sumakit pa ang ulo ko mula sa pagkakagising.
" Huwag ka munang matulog dahil kakailanganin mong kumain upang makainom ka ng gamot sa tamang oras." Masungit na turan ng isang nurse saakin.
Napanguso ako dahil doon mukhang badtrip saakin itong nurse. Baka kanina niya pa ako ginigising kaso tulog mantika ako kaya nahirapan siya na gisingin ako.
Mas lalo tuloy akong napanguso dahil sa naisip kona iyon.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...