Chapter 11

261 17 1
                                        

Party


( Three Weeks Later )

Kasalukuyan na akong pababa nang hagdan ng makita ko sina Kuya na bihis na bihis, nagtataka na nilapitan ko silang tatlo.




" Saan punta niyo?" Sabay na lumingon saakin ang mga ito.




" Hindi mo alam?" Tanong saakin ni kuya Nuel habang ako naman ay napakunot ang noo.




" Ang alin ang hindi ko alam? Mayron ba kayong hindi nasasabi saakin nina mommy at daddy?" Ako na nagpapalipat lipat ang tingin sakanila.




" One of Papá's business partners will have a party at a five-star hotel." Si kuya Rush na seryuso ang mukha at may hawak na wine glass. " At kailangan natin pumunta doon dahil isa iyon sa mga importanteng tao sa mundo ng negosyo." Dugtong niya na ikinatango ko nalang.




Umakyat ako sa kwarto at naghanap ng maisusuot hanggang sa nakita ko na ang isa sa mga binili sa akin na dress ni Mikmik nung nasa france kaming dalawa at nagsho-shopping noon, Isa itong Silver Sequin Backless Maxi Dress na siya mismo ang pumili para saakin na hindi ko pa nasusuot kahit isang beses.




Nang masuot ko ito ay nag-blower na ako ng aking buhok at nag simula ng mag-apply nang makeup ng matapos ay kinulot ko naman ang aking itim na buhok para bumagay sa damit, Naglagay din ako ng hikaw at kwintas para naman kahit papaano ay magandang tignan naglagay nadin ako ng pabango saakin pulso at leeg.





Bumaba na ako at doon ay nakita kong ready na silang lahat halata ang pagka-bored sa mukha ni kuya Rush habang ang dalawa ko pang kuya at ngumiti lang samantala si mommy ay tuwang-tuwa dahil nagandahan daw siya sa aking ayus lalong-lalo na sa dress na humapit sa maganda kung pangangatawan.




Sumakay na kami sa nakahandang limousine sa labas nang mansion, tiyak kung kalahating oras ang aming naging byahe bago nakarating sa hotel na gaganapan ng ingrandeng kasiyahan.




Sa labas ay kitang-kita ang mga media ng bumaba kami ay kaagad silang nagpipicture at pilit tinatanong ang isa sa mga lalake na kasama naming dalawa ni mommy, ngunit hinaharang ito ng mga guard at hindi rin nagbibigay ng tugon sina Kuya at dad.




Hinawakan ni mommy ang aking braso na para bang sinasabi na huwag ko nalang pagbigyan pansin ang mga ito tumango naman kaya naman napangiti siya.




Nang tuluyang makapasok sa loob ng hotel ay kaagad na sinalubong si mommy nang kanyang mga kaibigan habang si daddy naman ay may kausap na isang matandang lalake na may balbas at may hawak na tungkod sa kaliwang kamay habang sa kanan naman ay isang mamahalin na tabako.




" Sis, punta muna ako doon ah." Paalam ni kuya stephan habang nakaturo sa isang lamesa na may mga nakaupo na mga kalalakihan na nagtatawanan.




Tumango ako dito kaya naman kaagad siyang pumunta roon, napalingon ako sa direksyon nina kuya Nuel at kuya Rush ngunit abala naman si kuya Nuel sa pakikipag-usap sa dalawang lalakeng halatang kaedaran lang din niya.




Maya-maya lang ay naglakad na ako patungo sa isang bakanteng lamesa at tahimik na naupo roon, kaagad naman na may Isang waiter ay lumapit sa lamesang kinauupuan ko at tinanong ako kung anong pagkain ang gusto ko nang makuha ang gusto kong pagkain ay umalis narin ito para kumuha.




Naglibot ang ng tingin sa kabuoan ng hotel at masasabi ko na maganda ang venue nito, Nakita ko si kuya Rush na palinga-linga at nang mapadpad ang kaniyang tingin dito ay kaagad siyang naglakad patungo dito.




" Iiwan lang kita dito saglit dahil may kailangan lang akong kausapin tungkol sa kompanya, huwag kang aalis dito sinabi ko kay Stephan na tignan-tignan ka rito." Turan nito habang seryuso ang mukha na tinignan ako, tumango lang ako para hindi na humaba pa ang usapan.




Nagpaalam na siyang aalis.




Lumipas ang mahigit isang oras at mag-start na ang party kaya naman nagkanya-kanya ng balik ang mga guests sa kaniya-kaniyang lamesa, hindi na mahagilap ng aking paningin sina mommy pati narin si kuya Nuel habang si kuya Stephan naman ay abala sa mga katawanan niyang mga kalalakihan at panay din ang pag-inom niya ng alak. Kaya hindi na ako magtataka kung lasing na siya bago pa matapos ang party.




Nang mabagot ay naisipan kung maglibot-libot muna kaya naman tumayo na ako at naglakad na paalis may ilan pa akong nabubunggo dahil karamihan sa mga ito ay nakakatikim na.




" Excuse lang po." Turan ko habang pilit na nagsusumiksik sa mga taong nakahara sa dinaraanan ko.




Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyang na akong makaalis sa siksikan naglakad ako patungo sa hagdan na siyang patungo sa ibang floor may mga nakakasalubong pa akong mga kababaihan na nagchichismisan at magtatawanan bigla, nang malampasan ang mga ito ay dalawang pares naman na naghahalikan na para bang wala ng bukas ang nakasalubong ko.




Nang tuluyan na akong makaakyat sa kasunod na floor ay nagpatuloy lang ako sa paglilibot-libot may mga nadadaan akong mga painting na siyang kinamamangha ko ng sobra, napapansin ko na sa bawat mga nakakasalubong ko ay napapatingin saakin kaya naman nahihiyang yumuko ako para hindi nila makita ang aking mukha.




Nang mapagod ay naisipan ko munang maupo sa isang sulok at nagpalipas doon nang pagod.




" Shit ang pagod pero sulit naman kasi maganda yung paligid." Nakangiting ani ko habang nakaupo.




Nang mawala ang pagod ay nagpatuloy muli ako sa paglalakad sa hagdan hanggang sa may makita akong isang pinto kagat ang labi na binuksan ko ito nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kona itong mabuksan, pumasok na ako ng tuluyan at napangiti ako nang kaagad na yumakap sa katawan ang malamig na hangin naglakad-lakad pa ako.




Malaki ang ngiti na lumapit ako sa railings ng rooftop nitong hotel at doon ay sumandal ako habang tinitignan ang mga sasakyan na nagbibigay liwanag sa kalsada pati narin ang magandang tanawin ng buwan at ang kasamahan nitong mga bituin na nagniningning sa kalangitan.




Nanlaki ang mga mata ko at napanganga dahil may biglang dumaan na isang bulalakaw na hindi ko inaasahan na makikita ko dito sa rooftop na ito.




" Ang ganda." Utas ko.




" Maganda nga."









A/N: Sorry po sa mga typo, I hope you all understand.

( 06-26-22 )

^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now