Delaney
"Nandito na po ako..." Sambit ko habang tinatanggal ang sapatos mula sa aking mga paa.
Kararating ko lang galing paaralan, medyo nagabihan pa ako dahil nagtinda pa ako ng tirang kakanin sa mga nadadaanan kong kabahayan rito sa baryo namin.
Pagkatapos kong tanggalin ang sapatos ay inilagay ko ito sa may gilid, saka ako nagtungo sa maliit na kwarto namin ni Ate Danna.
Pagkarating ko malapit sa may pinto ay kusang napatigil ang aking mga paa.
"Hmmn..." Tila iyong nahihirapang halinghing mula sa kwarto, kaya naman sa kaba ay mabilis ko itong binuksan.
Baka kung si mama iyon.
Pagkabukas ko ay tumambad sa akin...
Si ate.
Nakahubad ito!
Ang masaklap pa ay nakapatong sa kanya si Tito Lucio.
Hindi ako ganun katanga kung iisipin kong hindi ko alam ang pinaggagagawa nila.
"Delaney!" Impit na sigaw ni ate nang magtatangka sana akong tumakbo papalayo.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon, si Ate Danna at Tito Lucio...
Pinagtataksilan nila si mama!
Amain namin si Tito Lucio, asawa siya ng mama namin.
Pero hindi ko lubos maisip na pati si ate ay papatulan ni tito, dahil ang alam namin ay itinuturing lang nitong anak ang ate.
"Pumasok ka dito mag-uusap tayo!" Utos ni ate habang nagbibihis.
Iniiwas ko ang mga mata ko at itinuon ito sa ibang direksiyon, naluluha din ako dahil sa natuklasan.
Kapag nalaman ito ni mama siguradong masasaktan siya.
Dahil mahal na mahal nito ang Tito Lucio.
Naramdaman kong lumapit si ate sa kinaroroonan ko.
"Hoi ikaw, wag na wag mong tatangkaing isumbong kami kay mama ha! Malilintikan ka sakin." Dinuro ako ni ate.
"At-te... Bakit?" Nalaglag na nga ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ba sila naaawa kay mama? Bakit nila nagawa ang bagay na iyon?
"Wag kang makialam!" Sigaw niya sa'kin, bago siya lumabas ng kwarto.
"Hoi, ikaw." Lumapit si tito sa'kin, tsaka hinawakan ang panga ko at pinisil iyon.
"A-aray, Tito." Naluluha ako dahil masakit ang pagkakapisil niya.
"Kapag nagsumbong ka. Papatayin ko kayo ng nanay mo, maliwanag?" Pagbabantang aniya.
Mabilis akong tumango dahil sa takot na totohanin nito kung sasabihin ko kay mama ang nangyari.
"Opo. Ti-to" umiiyak kong sagot.
Pabalang niya akong binitawan, ngumisi pa siya bago siya naglakad palabas ng kwarto.
Dahan-dahan akong umupo sa ibabaw ng banig, ngayon ko lang napagtantong matagal ng niloloko nina tito at ate si mama, at ang masakit pa roon ay wala manlang akong magawa...
Halos si mama na ang bumubuhay sa aming tatlo dahil wala namang trabaho ang tito, kahit na salat sa buhay ay pinag-aaral kami ni mama. Ginagawa nito ang lahat para makapagtapos kami ni ate.
Sa pagsasakripisyo niya, nakatungtong kami ni ate ng college.
Pero sa kabila ng lahat nang iyon, ay hindi manlang naisip ni ate si mama.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
Storie d'amoreMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...