Chapter 49

794 23 0
                                        

Escape.

Nagmulat ako.

Pinakiramdaman ko si Yaser na nasa tabi ko habang nakayakap sa tiyan ko, malamya na ang pagkakakapit niya at banayad narin ang paghinga niya.

Tanada na tulog na ito.

Maingat kong inialis ang mabigat niyang braso sa'kin.

Pagkatapos ay unti-unti akong bumangon at sinikap na hindi makagawa ng ingay.

Bumaba ko ang mga paa sa sahig at tumayo.

Bumaling muna ako sakanya kung nagising ba ito, pero hindi.

Dahan-dahan akong naglakad papalabas ng kwarto, napatingin muna ako sa orasang nasa gilid.

Malapit nang maghating gabi.

Pinihit ko ang seradura at binuksan ito.

Pagkalabas ay agad akong napatakbo papunta sa pintuan nitong condo.

Pagkalabas ay luminga-linga muna ako dito sa hallway.

Tumakbo akong naka paa papunta sa elevator, madali ko itong pinindot para bumukas habang taranta akong tumitingin kung saan ako lumabas.

Pagkabukas ay agad akong pumasok.

Pagkalabas ng building ay naglakad akong pumunta sa gilid ng kalsada.

Kinapa ko ang bulsa ng pajamang suot ko.

Buti nalang may pera pa sa bag ko kaninang lihim kong ibinulsa dahil plano ko na talagang tumakas pagkatulog niya.

Tumingin ako sa paparating na taxi.

Taranta kong pinatigil ito at agad na sumakay.

"Saan po tayo?" Tanong ng driver.

"Sa-a Langkaran po." Sagot ko.

Ilang minuto pa ay huminto na ito.

Bumaba ako at nagbayad.

Naglakad ako patungo sa bahay.

Medyo madilim sa parteng lalakaran ko, pero okay lang. Bibilisan ko nalang ang lakad para makarating ako kaagad sa mga kabahayan.

Nasa may mahogani na ako ng may ilaw ng sasakyang lumiko rito.

Nung una hindi ko pa iyon pinansin, pero nakatunog na ako ng banayad lang ang pagpapatakbo nitong nasa likuran ko di kalayuan sa'kin.

Napakapit ako sa suot kong pantulog...

Bumibigat na rin ang bawat paghinga ko.

Unti-unti kong inilinga sa likod ang ulo ko.

Nanlamig ang buong katawan ko ng makita ang kotse.

Si Yaser.

Tumambol ng malakas ang dibdib ko at wala sa sarili akong tumakbo, hindi ko na alintana ang paa kong walang saplot.

Lumiko ako ng landas dito sa may kakahuyan.

Pumasok pa ako sa may madilim na parte para hindi niya ako mahanap.

Nangangatog ang tuhod kong umupo dito sa may natumbang malaking puno.

Niyakap ko ang sarili ng marinig kong huminto ang sasakyan.

Lumandas sa'kin ang mahinang pag-iyak.

Nahigit ko ang hininga ko ng marinig ang pagkaluskos ng paa sa paligid.

"Delaney..." Dumagundong ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Parang galing hukay ang boses niya...

"Baby, I'm not playing with you... Umuwi na tayo." Malamig niyang tono.

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon