I'm sorry.
"Salamat sa paghatid." Panimula ko ng huminto ang sasakyan sa tapat ng bakuran.
6 a.m na ng gabi.
Kinalas ko ang suot kong seatbelt.
Dinukot nito ang wallet saka naglabas ng pera at iniabot sa'kin.
Napatigil akong tumingin sa iniaabot niyang lilibuhin.
"350 lang, Yaser." Sabi ko.
"Just take it." Aniya.
Inabot ko naman ito at kumuha lang ng isang libo saka ulit ibinalik ang sobra.
Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa ibinabalik ko.
"Bukas ko nalang isosooli yung sukli." Sabi ko.
"I said-" Hindi ko siya hinayaang ituloy ang gustong sabihin ng damputin ko ang kamay nitong nasa lap niya at inilagay doon ang mga pera.
Hinawakan ko ang bear na nasa kanduan ko at bubuksan na sana ang pintuan nang sasakyan ng mapatigil ako at muling tumingin sa gawi niya.
Tumikhim ako ng mahina.
"Hmn, Yaser. May gusto lang akong sabihin." Panimula ko.
Ibinulsa muna nito ang pera saka muling tumingin sa'kin.
"Gusto ko lang sana na kung pwede..." Patuloy ko.
Sumeryoso ang mukha nitong naka usli sa,'kin.
"Kung pwede sana, itigil mo na iyong mga ginagawa mo na hindi naman dapat-" dagdag ko ng magsalita ito.
"Like?" Seryosong tanong niya.
Bumuntong hininga ako.
"Gaya ng... Paghalik mo sa-kin." Napakagat labi ako.
"It's just a kiss, so what's wrong with that-" pilit na ngising aniya.
"Hindi lang basta halik yun para sa'kin, dahil kung simple at walang kabuluhang ang paghalik sa mga babae, pwes sa'kin malaking bagay iyon. Alam mo namang boyfriend ko ang kambal mo, at... Hindi mo dapat ako hinahalikan, hindi ka dapat umaasta na normal lang sayo yun. Yaser, ilang beses mo ng ginawa hindi ako yung tipo ng babae na inaakala mo dahil ayokong ginagawa mo sakin iyon, Hindi mo ba nahahalata? Kaya sana naman itigil mo na... Ayokong makarating pa kay Yosef, ayokong iisipin niyang pinagtataksilan ko siya-" putol na anunsiyo ko ng mabilis siyang lumapit at mabilis na hinila ang batok ko.
Dumampi ang labi niya.
Mabilis at malalim niyang iginalaw ang labi niya sa labi ko.
Magpipiglas na sana ako ng binitawan ako nito.
Mabilis ang bawat paghinga ko.
"Why not me?" Mariing pagbigkas siya.
Unti-unti siyang bumalik sa pagkakaupo.
Naluluha akong lumunok...
Ginawa na naman niya.
"Ya-ser, hindi ko alam kung anong pinupunto mo... Pero, tumigil kana. Mahal ko ang kambal mo, mahal ko si Yosef, hindi ako nakikipaglaro. Kumuha ka ng babaeng makakasabay sa trip mo, pero parang awa mo na. Wag ako please..." Mahinang sambit ko.
Nanggilid ang luha ko at pumatak iyon pababa sa pisngi ko.
Rinig ko ang paglagatok ng mga ngipin niya.
Kita kong ilang beses itong napalunok at muling bumaling sa'kin.
Kinuha niya ang palad ko at pinakatitigan ako ng malilikot niyang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/312912204-288-k470422.jpg)
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
Roman d'amourMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...