Chapter 3

1K 37 0
                                        

Masamang kutob.

Hawak ko ngayon ang jacket ni Yosef, dahil nakalimutan niya kahapon sa bahay. Umuwi din kasi ito pagkatapos tumulong, hindi yata niya naalalang may jacket siyang suot kahapon dahil may tumawag kasi sa cellphone nito at nagmamadaling pumanhik.

Nasa bungad na ako ngayon ng campus.

"Late na ba ako?" Taimtim kong tanong sa sarili.

Binilisan ko ang lakad ko dahil pansin kong iilan na lamang ang tao sa paligid.

Nandito na ako sa Civil Engineering Dept, napahinto ako sa paglalakad ng maaninag ko ang bulto ni Yosef.

"Si Yosef ba iyon?" Tanong ko ulit sa sarili.

Siya nga...

Nakapamulsa itong naglalakad.

Binilisan ko ulit ang paglalakad para maabutan ito.

"Yosef!" Tawag ko nang makalapit ako, hinawakan ko siya sa braso kaya naman napahinto siya.

"Nakalimutan mo sa bahay kahapon." Sabi ko.

Nang humarap ito sa akin.

Nakabukas ang tatlong botones ng kanyang long sleeve, kaya kitang-kita ko ang tattoo non malapit sa kanyang kaliwang dibdib.

Nangunot ang noo ko.

Tattoo?

Kailan pa siya nagpatattoo?

Wala pa iyon kahapon, kasi naka sando itong umakyat sa puno ng niyog.

Nakakunot ang noo kong iniangat ang tingin sa kanya.

Napawi ang ngiti ko.

Pinakatitigan ko ang pustura niya, naka tali ang buhok nito. Dumako ako sa mukha niya, matigas iyon na para bang laging nanghahamon.

"Yo-sef..." Nauutal na sambit ko sa pangalan niya, nabitawan ko rin ang pagkakahawak ko sa braso nito.

Galit ba siya?

Lumunok ako't magsasalita na sana ng may tumawag sa pangalan ko.

"Delaney!" Kilala ko ang boses na iyon.

Nilingon ko ang pinangalingan ng boses.

Si...

Yosef.

Nanlaki ang mata ko at dali-daling tumingin sa taong nasa harapan ko ngayon.

Nakangisi na ito.

"Hinintay kita sa labas, nandito ka-" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng bahagya siyang tumahimik.

Nilingon ko ulit siya, inayos nito ang salamin sa mata.

"Kuya." Mahinang turan nito.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa.

Mabilis kong napagtantong...

Kambal sila.

Magkamukhang-magkamukha ang mga ito.

Lahat-lahat, as in.

Ang pagkakaiba lang nila ay maamo ang mukha ni Yosef, kumpara sa kapatid niya dahil matapang ang awra nito.

"Anong ginagawa mo dito, diba nagsisimula na ang klase niyo?" Tanong ni Yosef sa kapatid.

"Why? Masama bang maglakadlakad?" Sarkastikong tanong nito.

"Hindi naman kuya, ang sinasabi-" Hindi natuloy ni Yosef ang sasabihin ng bumwelta ang kapatid.

"Why did you care? Brother." Maangas na saad nito.

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon