Special Chapter 1

1.3K 34 0
                                        

Wedding day.

Naka tayo ako rito sa bungad ng malaking pintuan ng simbahan, suot ang puting gown.

Araw ngayon ng kasal...

Bumukas ang pintuan kasabay ng pagtugtog ng musika.

Naglalakad ako ngayon sa magandang aisle kasama sa gilid si mama.

Rinig ko na ang mahinang paghikbi niya.

Sa'kin nakatingin ang mga taong narito, nahagilap ng mata ko si ate na nagpupunas ng luha.

Isang araw, nakipagkita siya sa'kin at humingi ng tawad sa lahat ng ginawa niya. Pinatawad ko siya dahil sino ba naman ako para ipagkait iyon.

Bumaling ako sa kabila.

Naroon si Juris, Lego, Owen, Tito Samuel, tita Judy at iba pa nilang kaanak.

Alam kong wala ng atrasan to...

Dumeretso ang tingin ko sa harapan.

Nandoon si Tito Benjamin katabi niya si Chunk at si Yosef.

Napalunok ako.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak.

Bumibigat ang pakiramdam ko habang papalapit.

Nag-iinit ang gilid ng mata ko at tuluyang napaluha.

Sa oras na makatungtong ako sa harapan ng diyos, dapat burado na sa isip ko si Yaser.

Dahil ganun naman dapat, magsisimula ulit ako ng panibagong buhay kasama ang mga anak ko at ni Yosef.

Pero habang iniisip ko palang na hindi si Yaser ang makakasama kong magpalaki ng mga anak namin ay sobrang sakit na...

Pero kakayanin, pipilitin kong ipagsawalang pansin ang nararamdaman ko para sa mga magiging anak ko.

Napaiktad ako ng nasa harapan na pala kami.

Lumapit si Yosef kay mama at nagmano.

"Alagaan mo ang naka ko ha?" Pabulong niyang sabi kay Yosef.

Inabot ko naman ang kamay ni Tito Benjamin at nagmano.

Pagkatapos ay hinalikan ako ni mama sa pisngi saka hinawakan ang kamay ko at ibinigay ito kay Yosef, Kinuha naman niya iyon at ngumiti sa'kin.

Inalalayan niya akong humarap kay father.

Nagsimula na ang seremonya...

Para akong lumulutang ngayon dahil sa pagkatulala, ni hindi ko marinig ang boses ni Father ng maayos.

Napatingin ako kay Yosef na titig na titig sa akin.

Maaliwalas ang mukha niyang nakaharap ngayong araw, kumpara sa'kin na kulang nalang ayoko ng gumalaw.

"Delaney." Pag-untag na boses ni Yosef.

Nahimasmasan ako.

"Please face each other as you declare these vows to one another. " Utos ng pari.

Hinawakan ng magaan ni Yosef ang magkabilaang siko ko para makaharap sakanya.

"Bride, you may start." Dagdag ng pari.

Napalunok ako't naluluhang bumaling sa mga taong nandito ngayon.

Huminga ako ng malalim, dahil nagbabara ang lalamunan ko.

"I-i Delaney, take you to be my wedded hu-usband." Hirap kong bigkas.

Ilang beses akong napalunok.

Ilang beses akong huminga ng malalim dahil nagpupumilit lumabas sa'kin ang pag-iyak.

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon