Sacrifice.
"Cavendish! May bisita ka." Rinig kong usal ng pulis kasabay ng pagtunog ng rehas.
Napalunok ako't ilang beses na huminga ng malalim.
Walang nakakaalam na pupunta ako rito, ang akala nila pumasok ako ngayon. Pero hindi ko na kayang hintayin pa ang ilang araw para makita siya.
Nag-iinit ang mata ko ng bumungad siya sa'kin.
Walang kaemo-emosyon ang mukha niya, para itong hindi natutulog ng ilang araw. Hindi na naman ba siya dinadalaw ng antok? Magdamag na naman bang laging gising ang diwa niya?
Pagkatama ng mga mata namin ay bahagya pa itong nagulat.
Pinilit kong ngumiti habang pinipigilan ang nagbabadyang luha ko.
Diretso siyang naglakad papunta dito sa table kung nasaan ako.
Kunot noo siyang umupo paharap sa akin.
Iginalaw ko ang nanlalamig kong kamay para hawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.
"Kumusta ka na?" Pigil utal kong tanong.
Titig na titig lang siya sa'kin.
"What are you doing here?" Seryoso niyang tanong.
"Kumain kana ba? Ito dinalhan kita ng pagkain." Saad ko saka kinuha ang nakasupot na styrofoam na nasa gilid ko at inilapag ko sa gilid ng mesa.
"Tinatanong kita..." Malalim niyang boses habang naka-usli ang mga mata sa akin.
Napakurap-kurap ako't lumunok.
"Gusto kitang makita..." Mahina kong sagot.
"Umuwi ka na." Aniyang malamig na boses.
Nagbabara ang lalamunan ko.
"Ka-hit saglit lang, hindi kita nakita ng ilang buwan kaya pagbigyan mo na ako..." Mahina kong pag-iyak.
"Sige na, dalhin mo na yang dala mo. Hindi ako nagugutom." Aniya.
Tatayo na sana ito ng pigilan ko.
"Ya-ser, inaayos na ni Yosef ang kasal namin." Hikbi kong saad.
Napatigil ito sa paggalaw.
Saglit na nagbago ang emosyon nito at bigla ring nawala.
"Pero ayoko..." Iyak kong dagdag.
Nakatingin lang siya sa'kin...
"Yaser, buntis ako..." Kagat labi kong usal.
"Congrats." Tipid niyang sambit.
"Anak mo to-" Hindi ko naituloy ng magsalita siyang muli.
"I know, congrats sakin." Aniya sa blankong expresyon.
"Umuwi ka na." Dagdag nito sabay tayo sa pagkaka-upo.
Napamaang akong tumingin sa kanya.
Tumalikod ito.
Nakakatatlong hakbang palang ay muling siya bumaling sa'kin.
Napalunok ito at namumula na ang mga mata.
Napatayo ako, bumaba ang mga mata niya sa umbok ng tiyan ko.
Naglakad siya pabalik sa'kin kaya sinalubong ko ito.
Yinapos niya ako ng mahigpit.
"Mag-kakaanak na tayo..." Nakangiti kong paghagulgol.
Ikinukong ko ang mukha sa dibdib niya.
Ramdam ko ang paghalik-halik niya sa gilid ng buhok ko ng ilang beses.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomansaMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
