The reason.
"Kuya, nagmamadali po kasi ako pwede po bang makiraan saglit?" Mahinang pakiusap ko.
Yumuko ito, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naman tumabingi ako.
Sobrang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Pano kung ayoko, baby huh?" Mapang-akit na boses niyang aniya.
Tumaas ang balahibo ko sa batok dahil sa itinawag nito sa akin.
Umatras ako ng isang beses, tatakbo na sana ako pabalik sa pinangalingan ko ng hilahin nito ang braso ko, at walang pasabing idiniin ako sa pader!
"Nag-uusap pa tayo diba? Wag kang bastos..." Mariing sambit niya saka malagkit akong tiningnan.
Nahihirapan akong lumunok dahil sa halo-halong nararamdaman.
"Ku-uya, ano ba..." Napakagat labi ako, hinawakan ko ang kamay niyang nasa baywang ko na pala.
"Hindi ko naman pala masisisi ang kapatid ko kung bakit gusto ka niya." Bulong niya sakin.
"Ano ba!" Hiyaw ko ng bigla nitong pisilin ang legs ko.
Iginalaw ko ang isa kong kamay at pinilit hampasin siya sa mukha, na nagawa ko naman.
Tumabingi ang mukha nito saka tumawa ng mahina at muling tumingin sa'kin.
Hindi ko namalayang nagsipaglaglagan na pala ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Tulo-" hihingi ko sana ng tulong ng takpan niya ang bunganga ko ng libre niyang kamay.
Pilit ko siyang tinutulak pero malakas ito at hindi manlang natinag.
Napatingin ako sa mukha niya, kagat labi itong pinakatitigan ako.
Sa sobrang pagkapit at pagpupumiglas ko ay pati polo nito ay gusot-gusot na.
"Shh baby... Ang bango mo naman." Naka ngisi nitong turan habang inilalapit ang mukha sa may bandang leeg ko.
Gusto kong magsisisigaw at hinihiling na sana may taong magawi rito.
"Hmmmp!" Pagpupumiglas ko.
"Relax... Nanginginig ka sa takot. Hindi naman kita kakainin ng buhay." Nakangisi niyang sambit.
Kahit na magkamukhang-magkamukha sila, hindi ko makita sa kanya si Yosef. Sobrang layo ng ugaling mayroon sila, kahit tumingin ako sa mga mata ng taong ito, malayong-malayo siya sa kapatid.
Sobrang layo.
"Kuya!" Boses ni Yosef.
Ilang segundo lamang ay nawala ang taong nasa harapan ko kanina dahil kwinelyuhan siya ni Yosef.
Hawak na ngayon ni Yosef ang kapatid niya, na parang wala lang ito sa taong iyon kahit alam niyang galit na galit na si Yosef. Tiningnan lang niya nito ng nakakabagot na tingin.
"Anong ginagawa mo! Ang sinabi ko sayo diba, wag si Delaney!" Sigaw niya sa pagmumukha ng kapatid habang hawak parin nito ang kwelyo.
"Tsk, ang oa mo naman kapatid. Chill... Nag-uusap lang kami, masyado ka namang seloso." Tinapik pa nito ang pisngi ni Yosef.
Sa ginawa ng kapatid ay lalong nag-apoy sa galit si Yosef, kaya naman pinunasan ko ang luha ko at nagmadaling lumapit.
"Yosef! Tama na..." Hinawakan ako ang braso nito.
"Rinig mo yon? Tama na daw..." Natatawang sabi ng kapatid niya.
"Kuya..." Mariing turan ni Yosef
"Tama na, ha-lika na..." Mahinang pag-aawat ko.
"Binabalaan kita Yaser..." Sabi ni Yosef habang pinapakawalan ang kwelyo ng kapatid.
"Galit na galit ka, kung pwede naman tayong magsalo sa iisang babae." Nanlaki pa bahagya ang mga mata nito na para bang nang-aasar.
Tumingin si Yaser sa akin, kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Yosef.
Umabante ito patungo sa akin, dinala naman ako ni Yosef sa may likudan niya.
"Parang gusto ko tuloy patusin ang nobya mo." Dinilaan nito ang pang ibabang labi.
Nagpintig ang buong katawan ko sa sinabi niya.
Ganyan ba talaga siya kabastos? Hindi ko inakalang may kapatid si Yosef na sobrang lala ng ugali.
"Ang lala mo na." Wala sa sariling saad ni Yosef sa kapatid.
"Wag kang mag-alala..." Tumayo siya ng tuwid. "Mas may ilalala pa." Aniya ng nakakakilabot na ngisi at natatawang tumalikod at naglakad papalayo.
Ilang minuto pa ay binalingan ako ni Yosef ng tingin.
"Are you ok? Anong ginawa niya sayo?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ok lang ako." Ngumiti ako ng tipid.
"Kasalanan ko ito." Yumuko siya.
"Ano ka ba, wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanang magtagpo ang landas namin, kahit naman sabihin nating iiwas tayo sa kanya. Magkikita't magkikita parin tayo, nasa iisang campus lang tayo Yosef. At kung maaari, para walang away sa pagitan ninyo. Pagpasensiyahan nalang muna natin siya." Mahabang anunsiyo ko.
"Pero sumusobra na siya, pati rito ay dinadala niya ang kabalastugang ugali niya." Mahinang turan nito.
"Hanggat kaya mo siyang pagpasensiyahan, gawin mo, ok?" Ngumiti ako sa kanya, napangiti naman ito at hinawakan ang kamay ko.
"Sisisihin ko ang sarili ko kung may ginawa siyang hindi maganda sayo, ayokong mapahamak ka Delaney. Kung pwede lang bantayan kita araw-araw ay gagawin ko." Malambing niyang aniya habang hawak ang kamay ko.
Naginhawaan ang puso ko dahil sa narinig, wala talagang tatalo sa paging maginoo niya.
Naglalakad na kami ngayon pauwi, gusto talaga niya akong ihatid hanggang sa bahay.
"Yosef, pwede bang magtanong?" Tumingin ako sakanya.
Bumaling naman siya saakin.
"Hmn, ano yun?" Pagtatanong niya.
Muli akong tumingin sa dinaraanan namin.
"Ganun na ba talaga ng kuya mo? Sobrang layo ng ugaling mayroon kayong dalawa." Patikhim kong sambit.
Rinig ko naman ang paghinga niya ng malalim.
"Hindi naman siya dating ganun nung mga bata kami, not until namatay si mommy. Nagbago siya." Sagot niya.
Tumango-tango naman ako.
May dahilan naman pala...
"Kung ganun, daddy niyo nalang ang kasama niyo ngayon or may iba pa kayong kapatid?" Tanong ko ulit.
"Yeah, si dad nalang ang natira sa'min." Sagot niya.
Hindi na ako nagtanong pa dahil pansin kong limitado lang ang isinasagot nito.
@dikaPinili_
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
