Chapter 19

550 22 0
                                    

Mall.

"Akala ko ba magpapa cash in ka?" Takang tanong ko ng makababa kami ni Yaser.

Nasa mall kasi kami ngayon, dito siya dumiretso.

"Kaya nga." Sagot niya.

"Hihintayin nalang kita rito." Bagot kong sambit.

Tumaas ang kilay niya saka hinuli ang palad ko at hinila.

"Yaser! Ano ba! Sabi ng aantayin nalang kita doon." Angil ko pero patuloy lang siya sa paghila sa'kin hanggang makarating kami dito sa loob.

Pinagtitinginan pa kami ng mga tao.

Pinilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya pero mas lalo lang nitong hinigpitan.

"Pwede ba? Bitiwan mo na ang kamay ko?" Inis kong sambit.

"Tsk, annoying." Bulong niya.

Hinampas ko ang braso niyang libre kong kamay.

"Naririnig kita!" Mariin kong hasik.

"Just shut up and let me hold your hand." Simpleng sambit nito.

Taimtim ko siyang minumura sa isipan ko.

"Isusumbong talaga kita kay Yosef." Aburido kong boses.

Ibinaba nito ang tingin sa'kin at ngumisi.

"Then, do it. Sweet Delaney." Pang-uuyam niya.

Sumimangot ko habang naglalakad kami.

"Do you like ice cream?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot.

"Silence means, yes." Sagot nito sa sariling tanong.

Hinila niya ako papaunta sa pwesto kung saan ang bilihan ng ice cream.

Pagkarating ay tumingin siya sa menu board habang pinaglalaruan ang labi gamit ang libreng daliri niya.

"Hello sir pogi, ano pong sainyo?" Tanong nang babaeng crew.

Napaghahalataang nagpapacute pa ito.

Binitiwan ni Yaser ang kamay ko.

Buti naman-

Nang ilipat niya ang palad niya paghaplos sa waist ko at hinapit lalo sa side niya.

Kita kong natigilan ang babae.

Kinurot ko ang tagiliran niya ng pasimple.

"A-aray baby..." Malambing at malokong boses niya.

Konti nalang talaga mapupuno na ako sakanya.

Ibinaba nito ang katawan para pumantay sa'kin at lumapit ang mukha niya sa may bandang tainga ko.

"Anong gusto mo?" Paos niyang tanong.

Hindi ako sumagot kaya tumayo muli siya ng tuwid.

"One order of triple chocolate brownie." Sabi nito.

"Isa lang po ba sir? Kayo po?" Nakangiting tanong ng babae.

"I don't like." Bagot niyang sagot.

Pagkatapos ay hinila na naman niya ako papaunta sa bakanteng upuan sa gilid.

Pagka-upo ay nanatili lang akong nakatayo.

"Why? Do you want to cuddle?" Simpleng tanong niya.

Ini-adjust pa ang upuan at tinapik ang kandungan nito.

Napabuga ako ng hangin at pabalang na umupo sa kaharap niyang upuan.

Rinig ko itong napatawa.

Pinasandahanan ko ang sarili.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon