Warning!!!
Karahasan ang nilalaman ng ilang pangyayari sa kabanatang ito.
Fear.
Naalimpungatan ako ng may marinig akong kumatok.
Papikit-pikit pa akong bumangon, baka si ate na iyan.
Kinusot ko ang mata saka tumayo at kinapa kung nasaan ang switch ng ilaw.
Nang mahawakan ko ito ay agad kong ini-on at bumaling agad ako sa pintuan at binuksan ito.
Hindi ko pa man din nabubuksan ay itinulak na nito kaagad.
Pero hindi si ate...
Si tito.
Napalunok akong bumaling sa papag ni ate.
Nandoon na siya at mahimbing ng nakatulog.
Lumandas sa'kin ang matinding kaba ng pinasandahanan ako nito mula ulo hanggang paa.
Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita dahil nanatili ito sa pampanga kaya bakit umuwi siya?
Tiningnan ko ang pustura nito.
Dilat na dilat ang mga mata niya at nangingitim na ang ibaba nito, lagatak din ang pawis niya na para bang ang layo ng tinakbo.
Inihakbang nito ang paa papasok kaya napaatras ako, sa klase ng paghakbang niya ay malalaman mo talagang naka-inom ito.
"Ti-to... Hindi po dito ang kwarto niyo..." Kabado kong sambit.
Ipinunas nito ang daliri sa ilong at suminghit-singhot.
Ngumiti ito ng nakakakilabot.
"Matagal na kitang tinetyempohan, Delaney. At alam mo bang hindi ko na matiis ang pagnanasa ko sayo." Mapaglarong boses nito.
Aatras pa sana ako ng mabilis siyang gumalaw at hinawakan ang braso ko.
"Ahh! Tito!" Hiyaw ko.
Mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilaang braso sabay tulak sa ibabaw ng papag kaya napa-upo ako.
Nagsisimula na namang mamayani sa'kin ang takot.
"Pagbigyan mo na ako Delaney..." Maang niyang sambit.
Umiling-iling ako.
"Tito wag..." Takot kong paki-usap.
Galaw na sana ako patayo ng...
"Ahh!" Sapo ko ang pisngi dahil sa lakas ng pagdapo ng palad niya.
Napaiyak ako sa sobrang hapdi.
"Wag ka ng tumanggi, kung ayaw mong bugbugin kita." Mariin niyang usal.
Mabilis nito akong pinwersang itulak pahiga.
Nanginginig na ang buong katawan ko.
Isinangga ko ang dalawang kamay.
"Please, ti-to wag!" Hagulgol ko.
Naghubad ito ng shirt, kaya naarma akong mabilis na bumangon ng hulihin niya ang dalawang paa ko pahiga kaya naman bumagok ang likod ng ulo ko sa papag dahil sa pagpwersa nito.
Lumakas ang iyak ko habang sinasapo ang likod ng ulo ko.
"Nagsasawa na ako sa ate mo, kaya naman. Ikaw na ngayon." Malademonyong boses niya.
Umiling-iling ako.
"Parang awa mo na, tito... A-te!!!" Malakas na pagtawag ko kay ate.
Rinig ko ang pagkalas ng botones ng short ni tito.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
