Little trouble.
"Anong gusto mo?" Bulong ni Yosef na nasa tabi kung saan ako naka-upo.
Kaninang paglabas namin ng arcade ay naisipan na naming kumain, dahil tanghali na rin kasi.
Sumama rin sina ate at ang mainiting ulo ni Yaser, na dinala hanggang dito sa loob ng resto.
Katapat ko ng upuan si Yaser na pinag lalaruan ang labi ngayon gamit ang daliri niya habang nahuhuli ko itong tumitingin sa'kin, si ate naman na nasa tabi niya ay kasalukuyang tumitingin sa menu.
Ibinaba ko na rin ang tingin sa menu na nasa harapan ko at binuksan iyon.
Bungad palang ay mahal na, isang order nasa seven hundred. Samantalang kapag sa karenderya mura lang pero masarap naman.
Tumingin nalang ako ng mas mura.
"Babe, gusto ko nitong chicken salad, caramel cake and milk shake." Rinig kong sabi ni ate.
"Okay." Tipid lang na sagot ni Yaser.
Ramdam ko naman ang paglapit ni Yosef sa'kin.
"May napili kana?" Bulong niya.
Napakagat labi ako, tsaka siya binalingan.
"Ang mamahal naman..." Bulong ko pabalik.
Ngumiti lang ito.
"Okay lang, order ka lang ng gusto mo." Malambing niyang sabi.
Tumango nalang ako bago siya umayos ng upo.
Fried rice with chicken nalang at ice tea.
Tiniklop ko na ang menu.
Napatigil akong tumingin kay Yaser.
Kinakalabit niya ang paa ko gamin ang paa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi maipinta ang mukha nito.
Ano na naman bang problema niya.
Umirap ako at ibinaling nalang kay Yosef ang tingin.
Kinuha nang waitress ang mga order namin, at pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang inorder namin kaya sinimulan na naming kumain.
Habang kumakain ay walang umimik.
Napapahinto pa ako dahil sa patuloy na pagkalabit niya sa paa ko.
Pasimple ko siyang tiningnan na nasa akin ang buong atensiyon nito habang pinaglalaruan ang pagkain.
Huminga ako ng malalim at sinanggi ang paa niya at pasimpleng ibinwelo ang paa at inapakan iyon.
"Ah!" Simpleng daing nito.
Umakto akong walang ginawa at pinagpatuloy ang pagkain.
"Babe, bakit? May masakit ba sayo?" Malambing na tanong ni ate.
"Nothing, may kumagat lang sa paa ko." Bagot nitong sagot.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming lumabas ng mall.
Kami nalang ngayon ni Yosef ang naglalakad papunta sa parking lot, dahil hinila ni ate si Yaser sa ibang direksiyon.
"Nag-enjoy kaba?" Nakangiting tanong ni Yosef.
Tumango ako.
"Salamat ha." Ani ko.
Inilipat nito ang bitbit sa isa pa niyang kamay at hinawakan ang kamay ko, pinagsiklop niya ang mga ito.
"Your welcome Dela. First date natin ito, at nag-enjoy ako dahil ikaw ang kasama ko." Sweet niyang sambit.
"Pasensiya kana, nahihiya ako sayo dahil libre mo lahat." Kagat labi kong sabi.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomansMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
