Special Chapter 2- (SPG)

1.7K 38 6
                                        

Warning!!!
SPG. Para sa huling kabanatang ating pagsasamahan, gabay at paalala ni Author na nagsasabing, ang ilang pangyayari sa parteng ito ay naglalaman ng maseselang kaganapan sa kama. Kaya, pasintabi po sa mga minors nating mambabasa.

Happily married.

Natapos ang pagsasayaw namin ay naupo ulit kami, napagpalit na rin ako kanina ng dress dahil naiinitan na ako sa gown na suot ko.

Inayos ni Yaser ang pagkakatali ng buhok ko, saka pinunasan ang pawis ko sa noo.

"Ang tagal matapos." Pagrereklamo niya.

Bumaling ako kay Tito Benjamin na paparito sa pwesto namin.

Pagkarating ay ngumiti ako.

"Ayos lang ba kayo?" Maalumanay niyang tanong sa'min kaya napatigil si Yaser sa pagpupunas at bumaling sa ama.

"Yeah." Tipid na sagot ni Yaser.

Ngumiti ng tipid si Tito Benjamin, kita ko pa itong ilang beses na huminga ng malalim na para bang may gustong sabihin.

"May problema ba?" Pagtatanong ni Yaser.

Umiling ang ama kasabay ng pagkibot ng aura nito.

Tumayo si Yaser.

"Dad." Pag-untag nito.

Namumula ang mukha ni Tito Benjamin, kasabay ng paggalaw nang kanang kamay niya at tinapik sa balikat si Yaser.

"I know, I haven't been a good father to you, at nagpakain sa nakaraan. Please forgive me, son. Hindi ko... Hindi ko sinasadya lahat ng nagawa at ipinaramdam sayo, patawarin mo ako kung ako mismo ang naging dahil ng pagkasira ng buhay mo. Patawarin mo ako anak. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, gusto kong bumawi-" maemosyong saad ng ama.

Yinapos siya ni Yaser ng akap.

Lumunok ako at pinunasan ang luhang lumandas na pala.

"It's okay, I'm okay now, dad. I'm okay now..." Maalumanay na boses ni Yaser saka bumitaw sa yakap at tinapik ang balikat ng ama.

Bumaling sa'kin si Tito Benjamin kaya tumayo ako.

Ngumiti ako habang lumuluha.

Humakbang siya papalapit sa akin at binigyan ako ng magaang yakap.

"Thank you dahil ikaw ang naging pag-asa ng anak ko sa mga panahong pinapahirapan ko siya." Malamyos niyang bulong.

"Wa-la po yun tito." Pagsagot ko saka niya ako binitawan.

Ngumiti niya sa'kin.

"Stop calling me Tito, from now on, you can call me Daddy, okay?" Ngiting aniya.

Ngumiti ako at tumango.

Tinapik niyang mula sa balikat si Yaser bago nagpaalam sa'min.

Bumaling sa'kin si Yaser at ngumiti, hinalikan niya ako sa noo saka muling inayang umupo.

Nang papatapos na ang kasiyahan ay siya namang pagdating ni Yosef at ni Lara.

Nagtungo sila sa amin.

Bumaba ang tingin ko sa malaking tiyan ni Lara.

Nakaangkla ang kamay nito sa braso ni Yosef habang may ngiti sa labi.

Masaya akong pinili niyang manatili sa mag-ina niya.

Napaiktad ako ng maramdaman ang paghila sa akin ni Yaser at kulang nalang ikalong ulit ako sa kandungan niya.

Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Yosef ng makarating sila dito sa pwesto namin.

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon