Chapter 37- (SPG)

709 21 0
                                    

Warning!!!
Medyo SPG.

Questions.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga damit ni Yosef dito sa closet niya.

Nagpaalam kasi itong umalis kanina kaya sinimulan ko na rin ang maglinis sa buong condo.

Natapos akong maglinis ng mapagdesisyunan kong ayusin ang mga gamin namin, natapos ko ng ayusin ang mga gamit ko, kaya itong mga gamit naman niya ang inaayos ko ngayon.

Mahilig talaga siya sa black and white na gamit, halata naman dahil halos lahat ng damit niya ay puti.

Nagtungo ako sa underwear niyang magulo.

Inisa-isa kong iyong inilabas.

Kinuha ko ang isa at inistrech ang waistband nito.

Napakagat labi akong ngumiti.

Ang laki nga talaga ng mga boxers niya, inilapit ko ito sa ilong ko.

Namula akong ngumingiti.

Ang bango...

Napatikhim akong binitawan iyon, para akong manyak nito.

Pagkatapos kong ayusin ang mga iyon ay nagtungo ang paningin ko sa isang maliit na drawer dito mismo sa katabing lagayan ng underwears niya.

Inilapit ko roon ang kamay ko ay dahan-dahang binuksan.

Pagkakita ko ng laman ay agad akong natigilan.

Inilabas ko ang mga iyon.

Kinuha ko ang isang bote...

Binasa ko kung anong nakatatak rito.

Asenapine...

Napalunok ako, gamot ito na hindi pa nabubuksan.

Kinuha ko ang ilan pa, magkakaibang klase ng gamot iyon.

Para saan ang mga ito? Para kanino?

Ilang minuto akong napamaang sa mga gamot, ni isa wala pang bawas...

Napahinga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

Ibinalik ko ang mga iyon sa lagayan, pagkatapos ay isinara ko na ang closet niya.

Magtatanong nalang ako pag-uwi niya, mukhang may hindi siya sinasabi sa'kin.

Gabi na ng maka-uwi ito.

Kaya naghanda na rin ako ng pagkain.

"Mahal..." Panimula ko habang habang pinagsasandok niya ako ng kanin.

Sumulyap naman siya sa'kin.

"Hmmn, mahal?" Tanong niya saka nilagyan ng ulam ang pinggan ko.

"Nag-ayos kasi ako ng mga gamit mo kanina..." Nakangiti kong sambit.

Napatigil sa ere ang kamay niya at muling tumingin sa'kin.

"Magulo kasi ang mga damit mo." Dagdag ko.

Pinagpatuloy nitong muli ang pagkuha ng kanin at inilagay sa plato niya.

"Tapos..." Napakagat ako ng labi.

Inayos nito ang salamin sa mata at pinakatitigan ako.

"Tapos mahal?" Pagtatanong niyang naghihintay ng sasabihin ko.

"May nakita akong gamot, para saan yun, mahal?" Diretsong tanong ko na ikinatigil niya.

"Ang dami nun, pero wala pang nabubuksan." Dagdag ko.

Tumikhim ito at ngumiti.

"Let's eat?" Pagsalisi niya ng tanong ko.

Ibinaling na nito ang atensiyon sa pagkaing nasa harapan niya at sinimulan ng sumubo.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon