Chapter 55

884 27 0
                                        

Pregnant.

Nakatagilid akong yakap ang teddy bear ng may kumatok sa pintuan.

Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga.

Narinig kong lumangit-ngit iyon at may yapak na lumapit at umupo sa gilid ng kama.

"Kakain na..." Boses ni Yosef.

Napapikit ako at hindi nagsalita.

Dalawang araw na akong nandito sa condo niya, dalawang araw na rin akong hindi makatulog dahil wala akong katabing matulog tuwing gabi, hinahanap ko ang presensiya ni Yaser.

Gusto kong kumatok siya sa pintuan ng condo at bawiin na ako...

"Delaney, simula nung dumating ka rito naging ganyang ka na katamlay. Ano bang problema? Ayaw mo ba akong kasama? Hindi mo ba ako namiss? Nandito na ako oh... Sino pa bang hinahanap mo?" Bakas sa boses niya ang inis.

Bumangon ako at diretsong tumingin sakanya.

"Alam mo kung sinong hinahanap ko? Ha?" Pigil iyak kong ani.

Napakunot ang kilay nitong hindi maipinta ang mukha.

"Si Yaser..." Pagbugso ng iyak kong sambit.

Nagbago ang pustura nito sa narinig mula sa'kin.

"Bakit? Sa dalawang buwan nahulog ka sa taong yun? I can't believe you." Hindi makapaniwala niyang sambit.

"Sa dalawang buwan, siya ang nagpaka boyfriend sakin! Alam mo ba kung gaano niya ako alagaan at ituring na mundo niya!? Na ang akala ko ikaw yun? Buong akala ko ikaw ang nagpaparamdam sa akin ng mga bagay na siya ang nagbigay! Tinatanong mo ako niyan? Na sa dalawang buwan nahulog ako? Oo! Putangina Yosef, hulog na hulog ako! At hindi ko manlang nasabi sakanya yun. Ang tanga-tanga ko sa part na nagpapakabulag at pinapaniwala ang sariling ikaw parin ang mahal ko at hindi siya! Pero huli na nang marealize ko ang lahat, dahil iniwan na niya ako." Habol hininga kong pag-iyak.

"Ninakaw ka lang niya sakin. Binilog niya lang ang ulo mo, psycho ang lalaking yun, Delaney. kayang-kaya ka niyang hawakan sa leeg, kaya niyang magnipula ng taong nasa paligid niya. Gaya nalang ng panggagaya niya sakin, isn't that enough for you to stop your illusion? Ang akala mo mo talaga totoo lahat ng ipinakita niya? Ang akala mo mahal ka talaga niya? Kung oo ang sagot mo, sasabihin ko sayong hindi." Seryoso niyang saad.

Tiningnan ko siya ng masama, madali kong pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit Ikaw, ha? saan ka nagpunta ng dalawang buwan? Sige nga Yosef, bakit si Yaser ang dumating nung gabing magkikita tayo? Nasan ka nung gabing yun? Tinext kita diba, ang sabi ko sa park tayo magkikita dahil my sasabihin ako. Pero bakit si Yaser ang sumipot?" Matapang kong tanong.

Nagbago ang aura niya at umiwas ng tingin kasabay ng dalawang beses niyang paglunok.

"Umuwi ako nung gabing yun sa bahay, pupuntahan na sana kita ng may tumawag saaking emergency kaya bumalik ako ng manila kagaad. Naiwan ko sa dining ang phone ko dahil sa pagmamadali." Aniya.

"Nang dalawang buwan? Namalagi ka sa manila ng ganun katagal? Sa anong rason? Bakit hindi ka umuwi rito kaagad?" Mariin kong pagtatanong.

Huminga siya ng malalim at muling sumeryoso ng tingin sa'kin.

"Nang dahil kay Yaser, sinet up niya ako para hindi maka-uwi. Kaya nagawa niya ang mga plano niya!" Pagalit nitong pagsagot.

Tumayo ito.

"Talaga ba? Yosef?" Mapang-uyam kong tanong.

Tumango-tango ito at ngumiti ng mapakla.

"Ayaw mong maniwala? Bahala ka. Hindi kita pipilitin. Mag-usap nalang tayo ulit kapag maayos na ang ulo mo." Malamig niyang usal sabay talikod palabas ng kwarto.

Pinigilan kong wag ulit maiyak, huminga ako ng malalim.

Nasan ka na ba Yaser? Miss na miss na kita...

Humiga akong muli at yinakap ng mahigpit ang Bamse.

Napapikit ako dahil sa pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Sumapit pa ang mga araw, hindi parin ako nawawalan ng pag-asang babalikan niya ako.

Pumapasok ako ng school at siya lagi ang tinatanong ko sa mga kaklase niya, pero hindi na daw nila nakikitang pumapasok ito.

Nagtanong na rin ako kay Juris, pero bigo akong makatanggap ng magandang balita.

"Buti nalang nakapasyal ka, Delaney. Sakto, makapagluto ako ng menudo. Perfect recipe ko kaya kumain ka na rito ha." Nakangiting sambit ni Juris.

Pina-upo niya ako dito sa hapag nila.

"Juris, may balita ka na ba kay Yaser?" Pagtatanong kong muli.

Hindi ako magsasawang magtanong araw-araw.

Napabuntong hininga siyang hindi makatingin sa'kin ng diretso.

Alam kong alam niya kung nasan ngayon si Yaser, gusto ko lang naman malaman kung maayos ba siya...

"Wa-la e." Taranta at hindi magkamayaw na paggalaw niyang sambit.

Umiiwas ito sa tanong ko.

Kinuha nito ang lagayan ng pagkain at inihanda sa hapag.

"Sige na... Gusto ko lang malaman kung nasa ayos ba ang lagay niya." Pagsusumamo kong sambit.

"Delaney, sorry pero kailangan kong sabihin to sayo." Aniya.

Hinintay ko ang sasabihin nito.

"Pakawalan mo na sa puso mo si Yaser, magsimula kang muling hindi siya inaalala... Tumingin ka sa salamin, napapansin kong namamayat ka na. Araw-araw mo nalang siyang tinatanong. Ang sarili mo naman ang isipin mo ngayon." Malamyos niyang sabi.

Nagbabadya na naman ng luha ko...

"Ka-salanan niya to, sinimulan niyang hindi kayang tumindig..." Nakayuko kong sambit.

Pinaglapat ko ng mariin ang mga labi ko para pigilan ang emosyon.

Tumayo si Juris sa pagkakaupo at lumapit sa'kin.

Hinimas niya ang likod ko.

"Siguradong maayos siya ngayon." Pagpapagaan niyang saad.

Pinunasan ko ang butil ng luha sa pisngi ko.

"Hayst, ano ka ba. Wag muna nga natin siyang pag-usapan, lumalamig na ang menudo ko." Pag-iiba niya ng usapan.

Binuksan nito ang nakatakip sa bowl kaya naamoy ko ito.

Napakurap-kurap ako at napalunok ng ilang beses.

Napakunot rin ang kilay kong hindi nagustuhan ang amoy non.

Napatakip ako ng ilong dahil umiikot ang sikmura ko.

Napatingin siya sa akin.

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya.

Nagtataka itong inamoy ang ulam at muling bumaling sa'kin.

"Mabango naman ah..." Takang aniya.

Napatayo ako ng maramdamang naduduwal ako.

Patakbo akong nagpunta ng kusina nila.

Napapikit akong nakahawak sa sink-in ng kitchen at dumuwal.

Pagkatapos ay napahabol ako ng hininga at ini-on ang faucet at nagmumog.

Pagkarating ko ulit ng hapag.

"Pasensiya ka na... Medyo umikot lang itong sikmura ko." Para akong pagod.

Hindi siya nagsalita at pinakatitigan ako.

"Bakit?" Pagtatanong ko.

"Delaney, magtapat ka nga... Buntis ka ba?" Seryosong tanong niya dahilan ng pagkatigil ko.

Naaalala kong hindi pa ako dinadatnan, isang linggo na ang nakararaan.

Hindi kaya buntis nga ako?

@dikaPinili_

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon