Chapter 44

827 17 0
                                        

Got jealous again.

"Delaney?" Boses ng nasa side.

Bumaling ako rito.

Si Lego kasama nito si...

Sino na nga ba yung nagpakilala sa'kin noong last na laro ni Yosef sa racing?

Ahh! Naalala ko na.

Si Owen.

Ngumiti ako kaya napangiti rin ito pabalik.

"What are you doing here?" Pagtatanong niya.

Nandito kasi kami sa Moon Billiards Nook.

Isa rin pala sa hilig ni Yosef ang maglaro ng billiards, ang dami ko pa talagang hindi alam tungkol sa mga ayaw at gusto nito.

"Si Yosef." Sagot ko.

Medyo nagbago ang pustura nito at tumingin sa mga naglalaro, saka muling tumingin sa'kin. May gusto pa yata siyang sabihin nang hindi na nito itinuloy.

"Hmn, sige. Pupuntahan ko lang." Paalam niya kaya naman tumango ako.

Bumaling sa'kin si Owen at umupo sa may upuan sa gilid ko.

"Hi, kanina pa ba kayo rito?" Pagtatanong niya.

Ngumiti naman ako.

"Medyo lang." Ngiti ko.

Bumaling siya sa kinaroroonan nila Yosef.

"Kanina pa ba siya naglalaro? Mukhang nakalimutan na niyang nandito ka ah." Pabiro niyang usal.

"Hindi naman, nag-eenjoy lang talaga siya." Sambit ko.

Tumango-tango naman siya.

"Ngayon ko lang nakitang napunta rito si Yosef, sa tagal naming magkakilala hindi ko alam na mahilig din pala siya sa larong billiards, akala ko si Lego at Yaser lang." Aniya.

Bumaling ako sa gawi nina Yosef, sakto namang napatingin siya rito kaya ngumiti ako.

Pero nangunot lang ang kilay niya at ibinaba ang stick na hawak sabay lakad papunta sa gawi namin.

"Tapos na?-" Hindi ko naituloy ng yumuko ito para sakupin ang labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya, humawak ako sa balikat niya para patigilin sana pero gumalaw lang ang labi nito ng mariin.

Nasa side namin si Owen!

"Ohh... I think, kailangan ko na kayong iwan rito guys." Aniya sabay alis.

Siya namang pagbitaw ni Yosef at sumeryoso ng tingin.

"A-ano ka ba-" utal kong panimula.

Tumigas ang pustura nito.

"Why? you don't want me to kiss you, when someone sees?" Seryosong tanong niya.

Napakurap-kurap ako at madaling umiling, sinapo ko ang pisngi niya dahil sa naging tono nito.

"Mahal, hindi sa ganun." Pagpapaintindi ko.

Tumayo ito ng tuwid.

"Get up, aalis na tayo." Malamig niyang sambit.

Tumayo naman ako.

"Hindi ka pa tapos sa laro diba-" Hindi ko naituloy ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin palabas.

"Mahal, hindi ba tayo magpapaalam sa kanila?" Pagtatanong sabay lingon ulit sa gawi nila Lego.

Hindi siya umimik.

"Ano na naman bang problema mo, mahal?" Problemado kong tanong.

Ayan na naman siya, hindi ko na naman alam kung anong nagawa ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon