Contact name.
"Wag kang masyadong magpapakapagod, mahal." Malambing kong sabi habang nasa tapat ng tainga ko ang phone.
Katatapos ko lang maglinis at magkapaglaba ng mga damit namin.
Sakto namang napatawag ito.
Dalawang araw na simula ngayon ang pagluwas niya, lagi itong nag-uupdate ng mga ginagawa at gagawin niya.
"Opo, ikaw diyan ang wag masyadong magsipag mahal, ipahinga mo naman ang sarili mo, okay?" Aniya sa paos na boses.
Napangiti ako.
Rinig ko siyang tumikhim.
"Hmn, one more thing..." Sambit niya.
"Wag kang lilingon sa iba habang wala ako ha, don't make too close to another man. I'm possessive, Dela. And you already know that." Buong boses nito.
Napakagat labi ako.
"Hmn, promise magbebehave ako, mahal." Nakangiti kong sagot.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang tumahimik sa kabilang linya.
Maya-maya pa ay rinig ko ulit ang pagbuntong hininga nito.
"Mahal, I need to hung up now. Tatawag ulit ako at magtetext, I love you." Mabilis niyang sabi.
Sasagot na sana ako ng agad naputol ang tawag.
Ibinaba ko ang phone at pinakatitigan ang screen.
"I love you too, mahal." Bulong ko.
Sayang hindi na niya narinig ang pagsagot ko ng I love you niya.
Huminga ako ng malalim saka ibinulsa ang phone.
Ihahanda ko na rin ang order ni Yaser.
Hayst!
Kakainin ba niya ang isang bilao ng kakanin?
Pagsapit ng tanghali, wala parin si ate, siguro ay nasa barkada niya. Maging si tito ay wala rin.
Ilang sandali pa ay may bumusina ng malakas galing sa labas kaya tumayo ako sa pagkakaupo rito sa sopa at tiningnan ko kung sino iyon.
Pagkasilip ko sa pintuan.
Si Yaser...
Kaya naman kinuha ko na ang nakahandang kakanin at sinukbit palabas ng bahay.
Pagkarating ko sa bintana ng driver seat ay kinatok ko ito.
Nagbukas naman iyon kaya sumalubong ang fresh na fresh na si Yaser.
Halatang kaliligo lang nito.
Nakasuot siya ng maong short at white sleeveless.
"Baka magbago ang isip mo niyan sa pagsagot kay Yosef." Maangas niyang sabi.
Tsk.
"Chismoso ka, oh. Eto na po ang order niyo." Sabi ko.
At itinaas pa ang bilao para makita niya.
Tumango naman siya.
"Dalhin mo rito sa kabila." Utos niya.
Napakunot ang noo ko.
Pwede naman niyang buksan ang katapat niyang pintuan at kunin ang bilao.
Pero, ayokong mapahaba pa ang usapan kaya umikot ako at nagtungo sa kabilang parte ng sasakyan.
Binuksan niya iyon.
Ibinigay ko ang kakanin, inabot naman niya ito pero sa kamay ko nakahawak.
Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya ng hilahin niya ako papasok ng kotse kaya napa-upo ako sa katabi niyang upuan.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
