Chapter 54

699 28 2
                                    

Park.

"May ibibigay ako." Nakangiting sambit ni Yaser.

Nandito kami ngayon sa park kung saan ko hinintay si Yosef na si Yaser ang dumating nung gabing yun.

Ipinasyal niya ako buong araw.

Gabi na ng naisipan niyang tumambay muna rito.

Hindi ko alam kung bakit iba ang saya nito habang kasama ko siya ngayon.

"Teka lang kukunin ko, mahal." Paalam niya sabay tayo palakad papunta sa kung nasaan ang kontse niya.

Pagkatapos ay bumalik siyang may bitbit na malaking paper bag.

Umupo siyang muli at inilabas ang may kalakihang bamse bear.

Napangiti ako.

Mas malaki ito kumpara sa nakuha niya sa mall dati, nasa bahay iyon. Nilagay ko sa maayos na lagayan matapos kong tahiin ang nasirang kamay niya.

"Do you like it?" Nakangiti niyang tanong.

Tumango ako saka kinuha iyon, niyakap ko ito saka ulit bumaling kay Yaser.

"Salamat." Ngiti kong sabi.

Ngumiti siya at tumango.

Hinaplos ko ang ulo ng bamse habang may ngiti sa labi.

Maya-maya pa ay tumingin kaming pareho sa kalangitan dahil maliwanag ito ngayon.

Pinakiramdaman ko siyang nasa gilid ko.

Napalunok ako at ibinuka ang bibig.

"Yaser, bakit ako?" Wala sa sarili kong tanong.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling niya ng tingin sa'kin.

"Bakit hindi ikaw?" Pabalik niyang tanong.

"Kahit alam mong mali?" Mahina kong tanong muli.

"Kahit mali. Ninakaw kita kay Yosef, at wala akong pagsisisi sa kapangahasan ko." Malamlam niyang sagot.

"Gano mo ako kamahal?" Dagdag kong tanong saka ibinaling ang paningin sakanya.

Nagtama ang mga mata namin.

"Gano mo nararamdaman?" Namamaos niyang tanong habang kumikislap ang mga mata nitong naka-usli sa'kin.

Lumunok ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"Ako ba? Hindi mo ba ako tanungin kung mahal kita? O kung may nararamdaman manlang ba ako para sayo?" Magkasunod kong tanong.

Ngumiti siya ng mapait.

"Kahit hindi ko tanungin, simula't sapul alam ko naman ang sagot. Alam ko kung gaano mo kamahal si Yosef, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya mapapalitan. Nakuha ko nga lahat ng una mo, pero alam mo kung ano ang hindi ko makuha?" Garalgal niyang boses.

"Ito." Iniangat niya ang kanan niyang kamay at itinuro kung nasaan ang puso ko.

Ramdam ko ang sakit sa tono ng pagsasalita niya...

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko nakakaya ang pagtitig nito.

Bumilis din ang tibok ng puso kong hindi maintindihan.

Ilang beses akong napalunok at pinigilan ang pagbabadya ng luha.

Umayos muli siyang upo.

"Ginawa ko lahat ng alam kong paraan para makuha ka." Patuloy nito.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ng mag-init ang gilid ng mata kong nakatingin sa langit.

"Ayokong pakawalan ka, pero mas ayokong manatili ka sa'kin, na alam kong hindi ka magiging masaya." Pahina nang pahina niyang sambit.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon