Drunk.
Nakatunganga ako sa sahig.
Bumaling ako sa orasang nasa gilid.
12:45 a.m na ng madaling araw.
Hindi pa siya umuuwi, apat na araw ng ganito.
Hindi ko alam kung umuuwi ba siya tuwing gabi, nagigising din ako sa umagang wala siya.
Nakakapasok na rin ako pero may driver na naghihintay sa'kin sa ibaba at naghihintay din sa'kin pauwi ulit rito.
Maya-maya pa ay rinig kong tumunog ang pintuan ng condo kaya bumaba ako at naglakad palabas ng kwarto.
Nagtungo ako sa pintuan at binuksan iyon.
"Fuck, ang bigat mo, tumayo ka ng tuwid!" Pagbungad na boses ni Chunk habang akay si Yaser.
Rinig ko rin ang pagtawa ni Yaser ng mahina.
"Asan-hic na ba tayo insan?" Bali-baling boses niya.
Napatingin sa'kin ang nakabusangot na mukha ni Chunk.
"Tangina mo, nandito na tayo sa condo mo, ihakbang mo na ang paa mo! Ano ba yan, nasstress ang kapogian ko sayo." Aburidong sambit ni Chunk habang sinisipa sipa ng mahina ang paa ni Yaser.
Huminga ako ng malalim at inakay ang isang braso niya.
Pagkaakay ay bumaling ang nakangisi, namumula at malamlam na mga mata niya.
"Hmmn, gising pa pala ang mahal kong si Delaney. Hinintay mo ba ako, mahal? Ha? Ako ba ang hinihintay mo o si Yosef?" Mapait niyang pagtawa.
Amoy ko sa kanya ang pinaghalong alak at sigarilyo.
Hindi ako sumagot.
Inilapit pa nito ang mukha at hinalik-halikan ang pisngi ko.
Pinilit kong umiwas...
"Halika na Chunk, ipasok na natin siya." Mahina kong saad.
Pahirapan rin ang pagpapapasok sakanya, makulit ito at inihihinto ang paa kapag nakakahakbang kami ng ilang beses.
Idiniretso namin siya sa loob ng kwarto, inialis ko ang pagkakaakbay niya sa'kin saka pabalang siyang binitawan ni Chunk.
Napadaing pa ito dahil sa pagtama ng likod niya.
Napamaywang si Chunk at sunod-sunod na huminga ng malalim.
"Ikaw na ang bahala sakanya, tumawag ka nalang ng pulis kapag naubos ang pasensiya mo." Habol hininga niyang sabi.
Tumango ako.
"Salamat." Usal ko.
Nagpaalam na ito at lumabas na ng kwarto.
Bumaling ulit ako kay Yaser.
Nakababa parin ang mga paa niya, sinakop ng malaking katawan niya ang kama.
Huminga ako ng malalim, tumingin ako sa mukha niya.
Nakaawang angg mapupulang labi nito at payapang nakapikit.
Yumuko ako at hinawakan ang mabibigat niyang mga paa, sinubukan ko itong iangat at iayos pero binti palang parang mawawalan na ng lakas ang mga braso ko.
Ibinaba kong muli ang mga paa niya at sumampa ng kama.
"Yaser..." Untig kong paggising sakanya at yinugyog ang balikat nito.
"Gising, Yaser." Medyo malakas kong pagtawag sa diwa nito at tinapiktapik ang pisngi.
"Hmmn..." Ungol niya saka tumagilid sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
