Racing.
"Pano kapag naipanalo ko?" Tanong ni Yosef.
Inaayos ko ang pagkakasuot ng airbag vests nito.
"Okay lang na hindi ka manalo, Basta mag-iingat ka." Sagot ko.
Naka whole moto racing suit siya ngayon.
Kahapon ko lang nalaman na racer pala siya nung nagpunta siya sa bahay dahil may laban siya ngayong gabi.
Inaya niya akong panoorin siya.
Dito sa Batangas racing circuit magaganap ang laban.
Kahit hindi pa nagsisimula, kabadong kabado na ako.
Marami na ring nagsisidatingan para manood.
"Hey, are you okay?" Alalang tanong sa'kin ni Yosef saka niya ako iniharap sakanya.
Tumango naman ako.
"Hindi ko lang maiwasang hindi kabahan para sayo." Pag-amin ko.
Ngumiti siya ng matamis at inayos ang buhok ko padausdos sa pisngi ko.
"Ginagawa ko ito since I'm 18, so, nothing's to worry about. Mag-iingat ako para sayo." Malambing niyang anunsiyo.
Napapikit ako at tumango-tango, saka huminga ng malalim.
"Pano kapag naipanalo ko?" Pag-uulit niyang tanong.
Pinakatitigan ko naman siya.
Hinihintay nito ang gustong marinig mula sa'kin.
"Pano kapag nanalo ka?" Wala sa sarili kong pagbabalik ng tanong.
Lumapit siya at dinampian ng halik ang noo ko.
May gusto siyang sabihin ko...
"Ipapanalo ko, Dela." Pagsisigurado niya.
"Kahit hindi ka-" Hindi ko naituloy ng dumampi ang labi niya saka muling umayos ng tayo.
Napakagat labi akong tinitingnan siya sa mata.
"Anong magiging price ko?" Disididong tanong nito.
Ano nga ba?
Tumikhim ako ng mahina.
Bakit ang slow ko naman yata?
Napatigil ako sa paglunok ng marealize ang gusto niyang marinig sa'kin.
Kaya ngumiti ako.
"Manalo ka man o hindi, sasagutin parin kita." Ngiti ko.
Napakagat ito sa pang ibabang labi at kumawala ang malawak na ngiti.
Gusto niyang sagutin ko siya ngayong gabi...
At saka mag-iisang buwan na siyang nanliligaw at wala naman akong balak patagalin pa.
Hinapit niya ang baywang ko at niyakap ako ng mahigpit.
Iniyakap ko rin ang braso ko sa leeg niya.
"Sinabi mo yan ha." Buong boses niyang bulong sa'kin.
Tumango naman ako.
"Promise, Yosef." Ngiti kong sagot.
Humiwalay kami sa yakap ng biglang may bumusina, pagkatapat sa'min ay bumaba ang salamin ng kotse.
"Hello, lovers!" Ngiting bungad ni Juris.
Kaya napangiti ako at kumaway sa kanya.
Pumarada ang mga ito sa tabi ng motorcycle ni Yosef.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
