Chapter 17

540 18 0
                                    

At 1 a.m

"Mahal, mawawala ako ng 5 days. May pinapaasikaso si Dad sa manila." Panimula ni Yosef ng mapagbuksan niya ako ng pintuan.

Dala kasi nito ang kotse niya ngayon.

Napahinto naman ako at tumingin sakanya.

"Nakapagpaalam kana ba sa mga profs mo, mahal?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"Magbehave ka habang wala ako, okay?" Ngiti niya.

Nakalabi naman ako.

"Ikaw ang magbehave." Simangot ko.

Inabot niya ang kaliwang palad ko saka nito dinala sa labi niya at humalik roon.

"Kahit hindi mo sabihin mahal, behave na ako dati pa." Aniya.

"Basta, bumalik ka kaagad ha?" Sambit ko.

"Oo naman, baka nga mapaaga pa. Anyways..." Aniya sabay dukot ng bulsa nito.

Inilabas niya ang isang phone.

"Para makausap parin kita habang wala ako." Sabi niya sabay patong sa palad kong hawak niya.

"Sige, pero. Ibabalik ko rin to agad sayo pagdating mo." Ngiti ko.

Umiling siya at inayos ang magulong buhok ko.

"Nahh, sayo na yan, mahal. Bawal ka ng tumanggi ngayon." Usal niya.

Tumango nalang ako.

"Ngayon na ba mismo ang luwas mo?" Pagtatanong ko.

Huminga siya ng malalim at tumango.

Pinakatitigan niya ako sa mata.

"Mahal, can I kiss you?" Malambing na tanong nito.

Tumingin naman ako sa paligid kung may tao ba...

Pero wala, kaya ngumiti ako at tumango.

Lumipat ang palad niya sa likod ko ssaka niya ako inilapit pa sakanya.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang malambot nitong labi.

Mabilis lang iyon dahil baka may makakita sa'min.

"Itetext at tawagan kita lagi, and take care of yourself mahal. Wag ka ring magpapagabi ng uwi during school days, nagkakaintindihan ba tayo?" Pagbibilin niya.

"Yes, boss." Sagot ko.

Ngumiti siya saka niya ulit ako dinampian sa labi.

Pagkaalis niya kanina ay agad akong pumasok sa loob ng bahay para makapag luto na ng makakain para mamayang gabi.

Wala pa sina ate at tito.

Laging ako ang nauunang makarating ng bahay bago sila.

Pagsapit ng 7 p.m ng gabi ay unang naka-uwi si ate, malamya ito at aakalain mong pagod na pagod.

Magtatanong sana ako pero itinikom ko nalang ang bibig ko dahil baka hindi rin maayos ang matatanggap kong sagot mula sakanya.

Pagkatapos kong makapagluto at nakapaghanda sa hapag ay saktong pagdating ni tito, diretso siya sa kwarto namin ni ate.

Maya-maya pa ay tinawag kona sila para makakain na.

Na-upo na ako sa habapag at nagsandok na ng kanin at ulam.

Magkasabay na umupo si ate at tito.

"Sa susunod, wag mo akong ipapahiga sa mga kumpare ko ha." Mariing sabi nito kay ate.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon