Mood swings.
"Yo, bro..." Nakangiting bungad ni Chunk na nandito sa kusina kasama si Juris, nagpeprepare ng inumin.
Nandito kami sa bahay nina Lego, birthday kasi niya ngayon.
Mga 7 p.m na nung makarating kami, nagsuot lang ako ng simple nude dress na pinasiran ko ng flat sandal at itinali ko rin ang buhok ko. Si Yosef naman, naka ripped jeans, white graphic t-shirt at white sneakers.
Dumiretso kami rito sa kusina dahil sinabi ng kasambahay nilang nandito silang dalawa.
Maingay na sa living room nila, siguro ay ilang mga bisita ang mga iyon.
Nakahawak ngayon si Yosef sa baywang ko habang naglalakad papalapit sa gawi nila.
Lumapit ako kay Juris at nakipag beso.
Nilaki-lakihan niya ang mata at iginalaw nito ang kilay habang naka ngiti.
Naalala yata niya iyong pinagsasasabi niya nung inaya niya ako sa bar.
Napangiti ako.
"Shh ka lang ha." Bulong niya.
Tumango naman ako.
"Marami na sila sa loob, bro." Sabi ni Chunk.
Bumaling naman ako kay Yosef.
"Ikaw, bakit nandito ka pa?" Pagtatanong ni Yosef kay Chunk.
"Hindi ako iinom e, mukhang magbabago na ako." Seryosong sagot niya.
"Sus, magbabago raw..." Singit ni Juris.
Napatigil si Juris ng pamunta sa gawi ni Yosef ang tingin niya, tumabingi pa ito at niliitan ang mga mata.
"Yosef, ano yang nasa leeg mo?" Tanong nito na ikinatigil ko.
Tumikhim naman si Yosef at palihim na sumulyap sa'kin.
Napakagat labi ako ng natawa si Chunk.
Hindi pa kasi natatanggal iyong kiss mark sa leeg niya dahil sa kagagawan ko.
"It's nothing." Sagot ni Yosef at tumagilid saka itinukod ang dalawang kamay sa dining.
"Bakit ka ba kasi nagtatanong Nay Juris, alam mo namang gawa yan ng init sa magdamag." Malokong sambit ni Chunk.
Napaiwas ako ng tingin ng bumaling sa'kin ang nagtatanong na mukha ni Juris.
Iisa lang yung nasa kanya pero nasa leeg kasi saka nagmarka doon ang kagat ng ngipin ko, yung iniwan niyang bakas sa katawan ko hindi na nga mabilang dahil bawat parte ng katawan ko ay mayroong kiss marks.
Buti nalang at iyong mga nasa leeg ko ay nagawan pa ng solusyon, nalapatan ko pa ng cold compress.
"Juris, Don't ask Delaney." Sabi ni Yosef dahil napansin yata niyang nasa akin ang tingin ngayon ni Juris.
"I don't ask anything, my dear cousin." Pagdepensa niya.
"Wag ka ng magtanong kasi kung alam mo naman ang sagot." Paakbay na sabi ni Chuck kay Juris.
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Chunk sa'min dala ang ilang inumin, bumaling naman sa'kin si Yosef.
"Pwede ba akong uminom, mahal?" Malambing na tanong niya.
Tumango naman ako.
"Basta wag masyado ha, uuwi pa tayo..." Paalala ko.
Ngumiti naman siya at tumango sabay dampi ng labi niya sa pisngi ko bago naglakad papasok ng living room.
"Delaney." Pagtawag sa'kin ni Juris na naglalabas ng meryenda mula sa ref.
Lumapit naman ako at tinulungan siya.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
