Chapter 41

534 17 0
                                    

Ride.

Napamulat ako ng may kumikiliti sa batok ko.

Hindi na naman siya natutulog, simula nung dumating ako rito sa condo niya, lagi akong nagigising at pinapakiramdaman siya may maayos ba itong tulog.

Lagi akong nagigising mga madaling araw na dahil sa pagkiliting ginagawa niya.

Bumaling ako paharap saka iminulat ng buo ang mga mata, bumungad sa'kin ang mapungay nitong aura.

Iniangat ko ang katawan para tumingin sa orasang nasa gilid.

4 a.m.

"Mahal, hindi ka pa ba natutulog?" Bulong kong tanong.

"Nagising lang ako, baby." Paos niyang sagot.

Hinaplos ko ang braso nito saka pumikit ulit.

"Nagsisisnungaling ka naman mahal, alam kong hindi ka pa natutulog. Pumikit ka lang, hihilain ka rin ng antok mamaya, sige na." Malambing kong saad saka yumakap sakanya.

"Hindi ako makatulog, para kasing kapag pumikit ako iiwan mo ako." Aniya na nagpamulat sa'kin saka pumantay ng tingin sakanya.

"Wala namang rason para iwan ka, dito lang ako." Pagkumbinsi ko rito.

Humaplos ang kanan niyang daliri sa labi ko.

"Dito ka lang, akin ka lang." Wala sa sarili nitong sambit.

Tumango ako.

"Promise, mahal. Kaya pumikit ka na at matulog, okay?" Paglalambing ko.

Kumikislap ang mga mata nitong naka-usli sa'kin, ilang segundo pa ay tumango ito at hinalikan ang noo ko.

Umangat pa ako pahiga.

Iginaya ko ang likod ng ulo niya at nagsumuksik ang mukha nito sa taas ng dibdib ko.

Iniyakap nito ng mahigpit ang braso sa likod ko para mahila pa padikit sa katawan niya.

Iginaya ko naman ng kamay papunta sa batok niya para gawin ang lagi niyang ginagawa, inihaplos ko rito ang mga daliri ko. Baka sa ganitong paraan ay marelax siya at makatulog na.

Pagsapit ng umaga, nagpaalam na aalis si Yosef at may kukunin lang daw sa bahay nila.

Pagkarating ay pinagbihis niya ako ng leggings at shirt pagkatapos ay inaya niya akong bumaba.

Pagkarating namin ng parking lot ay bumungad sa'kin ang motor niyang gamit sa racing.

Nagtaka naman kong tumingin sakanya.

"Gusto mong mag ride, mahal?" Ngiting tanong niya.

Tumango naman ako.

Kinuha na nito ang helmet at isusuot na sana sa'kin ng tumingin ito sa buhok kong nakalugay.

"Do you have a ponytail, baby?" Tanong niya.

Tumango naman ako at ipinakita ang nakasuot sa palapulsuhan ko, kinuha niya ito saka ako pinatalikod.

Sinakop niya ang buhok ko at itinali ito, pagkatapos ay isinuot na nito ang helmet.

Kinuha rin nito ang proteksiyon sa siko at tuhod at isinuot sa'kin.

Bakit parang baliktad naman yata.

"Mahal, ikaw dapat ang magsuot ng mga ito." Sabi ko.

"I only care about your safety, baby." Sagot niya.

"E, pano ka?" Pagtatanong ko.

Naka sleeves, maong short at naka balat slippers lang ito.

"Naah, wag mo akong alalahanin, safe na ako kapag kasama ka." Ngiting sagot nito.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon