Chapter 16

708 26 1
                                        

Officially.

Nag-iingay na ang paligid.

Pumwesto na ang nakahawak ng checkered flag sa gilid.

Initaas ko ang tingin sa malaking monitor screen na nasa gilid, kita rito ang buong high way na dadaraanan nila.

Nandito kami sa pinakaharap nina Juris at Lego.

"Sino pupustahan mo ngayon, insan?" Rinig kong tanong ni Lego.

"Kay Yosef ako ngayon." Sagot niya.

Tumingin ako kay Yosef na nasa pinaka gilid.

Bale nasa gitna si Yaser, sa left side nito ay si Chunk at sa right side nito ay si Yosef.

"Kay Yaser ako, ano? Ferrari, ipupusta ko." Sambit ni Lego.

"Are you sure?" Galak na tanong ni Juris.

"Yeah, Basta gusto kong ipusta mo si Wiv." Pagmamando ni Lego.

Bumaling ako sakanila.

Nag-isip pa si Juris bago tumango.

"Okay, but make sure. You take care of him, pakainin mo siya 3 times a day, and may allergy siya sa hipon. Palitan mo rin lagi ang diapers niya kapag nagpupu." Pagpayag ni Juris.

Ngumiti naman ng malaki si Lego.

Bata ba ang pinag-uusapan nila?

Tumingin sa'kin si Juris.

Napangiti ito ng makita ang kuryusidad sa'kin.

"Okay na yun diba Delaney, aso to Ferrari." Natatawang sambit niya.

Aso lang pala...

Grabe naman, mamahaling sasakyan para sa aso.

Ilang segundo pa ay nagsalita ang announcer.

"Ladies and gentlemen,
the fabulous Stunt Moto Spectacular."

"Is about to take place."

"Get ready for action and thrills!"

Itinaas na rin ng flag holder green flag, pagkatapos ay saka nito ibinaba.

Mabilis na umarangkada ang tatlo.

Nagsihiyawan na rin ang mga taong nanonood, kanya-kanya sila ng chinicheer.

May nagpupustahan rin sa may gawi namin.

Tumingin ako sa screen.

Nangunguna ngayon si Yaser...

Nanunuya ang lalamunan ko ng pumaliko ang mga ito, parang sumasama ang kalooblooban ko ng nag full hang position sila.

Parang gusto ko nalang magtakip ng mata kapag ginagawa nila ang ganoong posisyon.

Grabe nakapadelekado pala talaga kapag ikaw na mismo ang nakakasaksi.

Nagsisigawan ang mga tao ng gumitgit silang tatlo.

Kulang nalang ay magdikit-dikit na ang mga ito ng posisyon.

"Wooahhh!" Rinig kong hiyaw ni Juris.

Pinag laruan ko lang ang daliri kong nakatingin sa screen.

"Wala na! Bukas na bukas kukunin ko sayo si Wiv." Hagalpak ni Lego.

"Wag ka munang mangarap, one laps palang iyon." Sagot ni Juris.

Nangunguna ngayon si Yaser, grabe ang bilis niya. Hindi ko alam kung nahiwalay na ba ang kaluluwa niya sa katawan.

Napatingin ako kay Yosef, mas lalo pa nitong binilisan.

"Ahh!" Pagtakip ko ng bibig ko ng m untik na itong sumemplang pagkaliko!

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon