Revelation.
"Hmmn..." Nagising ang diwa ko.
Nag-unat ako ng katawan bago kumapa ang kamay ko sa pwesto ni Yosef pero wala akong makapa kaya nagmulat ako ng mata at tumingin sa orasang nasa gilid.
7 a.m.
Nagluluto na siguro siya ngayon...
Bumangon ako ng dahan-dahan at nagkusot ng mata.
Ibinaba ko ang mga paa at inayos ang sarili.
Naglakad ako palabas ng kwarto...
Hindi ko parin naipilit na uuwi ako ng bahay, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay mama...
Maglalakad na sana ako papuntang kusina ng may marinig akong nag-uusap.
Naglakad ako at sumilip sa may bandang pintuan.
Si Yosef at Lego...
Hindi ko alam kung bakit nanatili parin ako rito sa pwesto ko, na para bang may nagtulak sa'kin para makinig ng pinag-uusapan nila.
"Bakit hindi ka nalang umamin, huling-huli ka na. At hindi mo maidedeny ang mga bagay-bagay." Seryosong sambit ni Lego.
Anong pinag-uusapan nila?
"Kung wala kang ibang sasabihin, makaalis ka na." Malamig na turan ni Yosef.
Napakunot ang kilay ko.
Nagsasagutan sila...
"Hindi naglalaro ng Billiards si Yosef, nakalimutan mo yatang right handed siya at hindi left handed..." Patuloy ni Lego.
Napalunok ako at lumandas ang kaba sa'kin.
"Sa tingin mo hindi ko alam?" Maangas na saad ni Yosef.
Bumilis na rin ang paghinga ko, unti-unting bumibigat ang nararamdaman ko.
"Hindi ikaw si Yosef." Mariing usal ni Lego.
Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig iyon.
Hindi ikaw si Yosef
Hindi ikaw si Yosef
Hindi ikaw si Yosef
Nanlamig ang katawan ko, napatingin ako sa nanginginig kong mga kamay.
"Nasan ang totoong Yosef?" Galit na tanong ni Lego.
Nagbabara ang lalamunan ko...
Napapikit ako ng marinig ang papalakas na pagtawa ni...
"Yaser..." Pagdidiing sambit ni Lego.
Napamaang ako sa kinatatayuan...
Unti-unti akong napakurap-kurap ng mag-init ang gilid ng mata ko.
"Yaser. Anong ginawa mo!?" Dumagundong ang boses ni Lego dahil sa labis na galit.
"Shh, wag kang sumigaw. Baka magising ang mahal ko." Mapaglarong boses niya.
Nangangatog ang tuhod ko dahil sa mga naririnig.
Hindi...
Panong...
Panong hindi siya si Yosef? Pano?
"Pinaikot mo kaming lahat! Madumi kang maglaro, Yaser. Pano mo nagawa? Huh? Pano!? Pati si Delaney, idinamay mo. Makasarili ka, ninakaw mo ang girlfriend ng kapatid mo para mapunta siya sayo. Ibang klase ka..." Hindi magkamayaw na hiyaw ni Lego.
Nagsipaglaglagan ang luha ko...
Napatakip ako ng labi ng lumabas ang hikbi sa akin.
"May kanya-kanya tayong paraan para makuha ang mga gusto natin, insan." Saad ni Yaser.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomansaMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
