Chapter 30

593 24 1
                                    

Control.

"Hindi ko alam na lumipat ka na pala ng unit Yosef." Sambit ni Juris.

Nandito kasi sila ni Chunk, napadaan daw.

Kasalukuyan kaninang nasa bathroom si Yosef kaya ako na ang nagpapasok sa kanila.

Alam na din nilang dito muna ako pansamantala.

Nalaman din nila ang muntik ng mangyari sa'kin.

"Anong ginagawa niyo rito? Gabi na ah." Pag-iba ni Yosef ng tanong.

Nagtinginan naman iyong dalawa.

Napatikhim pa si Juris.

Nandito kami sa sopa ngayon, naglatag na rin ako ng meryenda kanina para sa kanila.

Prisenteng naka-upo lang si Chunk.

"Binulabog ako nitong si Nay Juris, nagpapasamang bumili ng foods sa labas. Hindi ko nga alam kung naglalahi ba ito o ano." Pagsagot ni Chunk.

Napalayo ito ng hampasin siya sa braso ni Juris.

"Ikaw, kung ano-anong pumapasok diyan sa kakarampot mong utak." Duro nito sa pinsan.

Napatawa naman si Chunk dahil sa naging reaksiyon ni Juris.

Ramdam ko ang paghila ni Yosef sa tiyan ko papalapit sakanya.

Naramdaman ko ang dibdib nito sa likod ko sabay patong ng baba sa balikat ko.

"Pano yung dating condo mo? Bakit ka umalis dun?" Tanong ulit ni Juris.

"There's a lot of stuff there, Hindi ako makagalaw ng maayos." Simpleng sagot niya at hinigpitan ang pagyakap sa tiyan ko.

Tumango-tango naman si Juris.

"Akin nalang tutal wala ka naman na yatang balak bumalik don?" Tanong ni Chunk.

"Wag mo ng pagdiskitahan, marami akong importanteng gamit na naiwan doon." Sagot ni Yosef.

Na-oop ako...

"Why? Hindi na ba magkasya sa condo mo ang mga babae mo?" Pang-uuyam na dagdag niya.

Tumaas ang gilid ng labi ni Chunk.

Pinandilatan naman ni Juris si Chunk.

"Hindi ka parin nagbabago, babaero ka parin talaga." Komento ni Juris na ikatawa ng mahina ni Chunk.

"Woah, ako lang ba? Siya rin kaya." Malokong duro niya kay Yosef.

"At sigurado akong kaya niya iniwan ang condo niya hindi dahil may mga importanteng bagay siyang iniwan doon, kundi ayaw lang nitong malaman ni Delaney na nagdadala siya ng chix-" Naputol ang natatawang bulgar ni Chunk ng mabilis na kumalas ng yakap si Yosef at inabot ang unan saka ibinato ito sa mukha ng pinsan.

"I'd never done that, asshole." May inis na sambit ni Yosef.

Nandidilat pa ang mata ni Chunk na umamamba na naman ng pang-uuyam.

"Shh, Chunk. Bakit mo ba dinadamay si Yosef. I know naman na hindi niya gawain ang gawain niyo ni Yaser..." Singit ni Juris.

Kanina pa ako walang naging imik, ni hindi ako makasabay sa usapan nila.

Napakagat labi ako.

"Delaney, wag kang maniwala dito kay Chunk. Sira-ulo lang talaga ito." Aniya sabay tingin sa'kin.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Yeah, Juris is right, mahal. Chunk is a piece of corrupt." Pag-agaw nito ng atensiyon ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon