Jealousy.
"Ano? Anong sabi, mahal?" Tanong ko ng makarating rito sa loob ng sasakyan si Yosef.
Hindi kasi kami umalis kanina roon at hinintay ang mga pulis na dumating, kasabay ng ambulansiya.
Inimbitahan kami sa prisinto pero minabuti ni Yosef na rito lang daw ako sa loob ng sasakyan at siya na ang bahala.
Kita ko kung paano nila buhatin iyong dalawang lalaki kanina, iyong isa ay nawalan ng malay at iyong isa naman ay namimilipit sa sakit.
Bali-bali daw ang mga buto nila sa tuhod sabi ng mga nakakita.
Kaya habang nasa biyahe kami kanina papunta rito ay sobra ang kaba ko at baka makulong si Yosef.
"Okay na mahal, wag ka ng mag-alala." Malambing niyang sagot.
"Pano yung dalawang nasa hospital?" Tanong kong muli.
"Kumusta daw ba sila, mahal?" Dagdag ko.
Hinawakan nito ang kaliwang palad ko at dinala sa labi niya para halikan.
"Mahal, wag mo na silang isipin. Buhay pa ang mga iyon, Hindi naman sila napuruhan." Sagot niya sabay buhay ng makina ng sasakyan.
Habang nasa biyahe ay hindi ko umimik.
Kita kong pasulyap-sulyap siya gawi ko.
"Mahal, I love you." Malambing niyang pagbasag ng katahimikan.
Tipid akong ngumiti.
"I love you too." Sagot ko.
Sana naman, kahit nagkaganon ay maging maayos sana ang kalagayan nila.
Pagkahatid niya sa'kin ay nagpaalam na ito para makapaghanda na para mamaya.
May laban kasi ulit siya mamaya, at syempre manonood ulit ako ngayon bilang girlfriend niya.
Kaya naman nagluto na ako at pagkatapos ay naligo na.
Nagsuot lang ako ng simple white dress na lagpas hanggang tuhod na binili niya noong first date namin at tsaka white flat sandal.
Itinali ko rin ang buhok ko matapos kong patuyuin gamit ang tuwalya.
Sumapit ang 6:40 ng gabi ay siyang rinig kong pagbusina niya kaya lumabas na ako at isinara ang bahay dahil wala pa si ate.
Naglakad ako palabas ng tarangkahan.
Naka full uniform na ito, gagamitin ulit niya ang motor na nagpanalo sakanya.
Inistand niya ito at bumaba.
May hawak itong jacket, tinanggal nito ang helmet gamit ang libre niyang kamay.
Pagkatanggal ay agad niyang pinasandahanan ang kabuuan ko.
Napakagat labi ito at ngumiti sa'kin.
"Sure win na naman to, mahal." Ngiting sambit niya.
Lumapit siya at yinapos ang pisngi ko ng magaang halik.
"You're an angel, baby..." Bulong niya at muling humalik sa pisngi ko.
Gumuhit ang ngiti ko.
"Bolero ka mahal..." Nag-iinit ang pisngi kong sambit.
"You're blushing..." Pang-uuyam niya sabay lapit ng mukha niya at hinuli ang labi ko.
Mabilis lang iyon pero malalim ang klase ng pagdampi ng labi niya.
"Here, mahal." Aniya sabay suot sa'kin ang jacket.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
