Chapter 38- (SPG)

716 23 0
                                    

Warning!!!
SPG. Striktong patnubay at gabay na naman ni Author ang kailangan, dahil naglalaman ang kabanatang ito ng maseselang tagpo na hindi naaangkop sa mga bata at baka kung mahuli ka ng nanay mong nasa tabi lang, baka ikaw ay mahampas pa.

Couch.

Binuksan ko ang pintuan para lumabas ng kwarto, maglalakad na sana ako papuntang kusina ng marinig kong bumukas ang pintuan ng condo kaya naglakad ako papunta roon.

Pagkarating ko ay agad akong naalarma nang makita ko si Yosef na nahihirapang maglakad papunta sa sopa habang nakahawak ang isang kamay sa ulo nito.

Nag-uugat na rin ang sintido at leeg niya.

Madali akong nagtungo sa pwesto niya at hinawakan ang balikat nito.

Bumaling sa'kin ang namumula at kumikibot niyang aura.

"Ma-hal..." Kabado kong sambit at inalalayan siyang maka-upo.

Nagpunta ako sa harapan nito at pilit iniaangat ang mukha niya.

"Ahh! Fuck!!!" Malalim at malakas niyang daing habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo niya.

Lumandas na naman sa'kin ang kaba.

"Ma-hal anong masakit? Huh? Sabihin mo sakin..." Itinukod ko ang dalawang tuhod sa harapan niya.

"Shit!" Sunod-sunod niyang mura habang napapikit ng mariin dahil sa iniinda.

Nanlalamig na ang katawan kong nakahawak sakanya.

"Anong gagawin ko? Yosef." Naiiyak kong taranta.

Napakuyom at naninigas na ang katawan niya sa sobrang nararamdaman.

Hindi ko na alam kung anong unang sasapuin!

Lumabas sa'kin ang mahinang pag-iyak, palakas ito nang palakas ng hindi na nito alam ang ginagawa.

Hindi ko mapigilang hindi humagulgol.

"Ugh! Ahh..." Mahinang daing niya, pinipilit nitong pakalmahin ang sarili.

Hindi na magkamayaw ang iyak ko.

Naalala ko iyong gamot...

"Te-teka lang, kukunin ko lang iyong gamot mo..." Nanginginig kong boses saka madaling itinayo ang nangangatog kong tuhod.

Napaiktad ako ng mahigpit niyang hulihin ang palapulsuhan ko.

"Ma-hal, bitaw na... Ku-kukunin ko lang." Hindi magkamayaw kong hikbi.

Rinig ko ang sunod-sunod niyang paghinga.

"I'm... Okay, ahh..." Pigil na daing niya.

Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya.

"Sigi na, mahal... Please." Iyak ko.

Pagod ang aura niyang itinaas ang tingin sa'kin, grabe na rin ang pawis niya sa noo dahil sa pag-iinda ng sakit ng ulo niya.

Mabilis niya akong hinila.

Napaupo ako paharap sa kandungan nito.

Hinawakan ko ang magkabilaang balikat niya.

"Iinom ka ng ga-mot, bitaw na mahal." Hikbi ko.

Hindi niya ako binitiwan bagkus ay yinapos pa niya ako padikit sa katawan niya at iniyakap ng mahigpit ang braso sa likod ko.

"Shh... I'm okay now, baby. Ganito lang. Hmmn-gh. Yakap lang ang kailangan ko, mahal. Stay still, please hug me back baby..." Habol hininga niyang pakiusap at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon