Mad.
"I report mo na sa pulis, iha." Suhestiyon ni manang.
Umiling ako.
"Kapag ginawa ko po yun, idadamay niya ang ate at mama ko." Sambit ko.
Mag-iisang oras na akong nandito at medyo kumalma na rin ako, dahil alam kong ligtas ako rito.
Tumingin siya sa duster ko.
"Wala pa man din akong dalang damit rito." Aniya.
Ngumiti ako ng tipid.
"Okay lang po." Usal ko.
Huminga siya ng malalim.
"Manang, may cellphone po ba kayo? Pwede po bang makitawag?" Tanong ko.
Tumango naman siya at naglakad para kunin ang telepono niya at bumalik sa pwesto ko.
"Eto, sakto at bukas pa mag-eexpired yung load." Sabay bigay sa'kin.
Idinial ko ang numero...
Hindi ko alam kung gising pa ba siya, pero susubukan ko parin.
Maya-maya pa ay sinagot nito.
"Hello, who's this?" Paos niyang tanong.
Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses niya.
Pinigilan kong wag maiyak.
"I'm not playing around." Masungit na boses niyang dagdag.
Tumikhim ako ng mahina at huminga ng malalim.
"Ma-hal..." Utal kong sambit.
Rinig ko ang ilang pagkaluskos sa pwesto nito.
"Ohh, fuck..." Mahinang mura nito.
"Hey, baby. It's getting late, may problema ba? Kaninong number ang gamit mo? Huh?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Na-sa bungad ako ng highway dito sa bakery shop-" sagot ko ng magsalita ito agad.
"What are you doing there?" Matigas niyang tanong.
Lumunok ako.
"I'm sorry, mahal. Naabala ko ba ang tulog mo?" Namamaos kong boses.
Rinig kong gumalaw ito.
"Wait for me." Mabilis niyang sabi.
Magsasalita na sana ako ng binaba na nito ang tawag.
Kaya naman ibinaba ko na rin at ibinigay kay manang.
Ilang minuto pa ng may sasakyang huminto sa labas.
Sumilip si manang at tumingin sa'kin.
"Nandiyan na yata ang boyfriend mo, iha." Sabi niya.
Tumango ako at inayos ang pagkapunit ng duster ko sa may bandang dibdib.
Unang humakbang si manang para buksan ang pintuan, sumunod na rin ako pagkalabas niya.
Bumungad sa'kin si Yosef na magulo ang buhok at halatang kagagaling lang nito sa tulog.
Pagkatingin sa'kin ay agad nangunot ang kilay niya.
Lumapit siya kaya mabilis akong yumakap rito.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak, ikinukong ko ang mukha sa pagitan ng dibdib niya.
Yumakap siya pabalik at hinaplos ang likod ng ulo ko.
"What happened?" Malambing niyang tanong.
Hindi ako makasagot dahil nagbabara ang lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
