Chapter 58

1K 22 0
                                        

Heavy-hearted.

"Wow! Perfect... Ang Ganda mo, Delaney." Masayang puri ni Juris.

Ngumiti ako ng tipid.

Nandito kami sa shop ngayon, pinasuot niya sa'kin ang wedding dress na susuotin ko sa nalalapit na kasal.

"Ngumiti ka naman, dali na pipicturan kita." Nakangiting utos ni Juris sa'kin sabay labas ng cellphone na nasa bulsa niya at itinututok sa akin.

Pinilit kong ngumiti.

"Oh ayan, napaka blooming ang soon to be bride namin." Pagpapasaya nito.

Tumingin ako sa gown na suot ko.

Pinagawa pa ito ng mommy ni Juris sa kaibigan niyang designer, pinasadya talagang para sa'kin dahil malaki na ang tiyan ko. Four months palang pero parang nasa 8 months na sa laki.

Ilang araw ko din itong pinag-isipan, kahit masakit. Magpapakasal ako kay Yosef para sa magiging anak ko.

Ipinagsantabi ko lahat ng bumabagabag sa'kin, inisip ko ang magiging buhay ng anak ko paglabas niya. Tama si mama, kailangan kong isakripisyo ang kaligayahan ko dahil tulad niya ay magiging ina na rin ako ilang buwan nalang ang hinihintay.

"Jusko, Juris. Bakit mo ipinasuot ang gown!" Tarantang boses ni tita Judy.

"Bakit ma? Gusto ko lang naman siyang kuhanan ng litrato, ang oa mo naman." Busangot ni Juris.

Hindi nito pinansin ni tita at diretsong lumapit sa'kin.

"Hubarin mo iha, sige na." Malambing niyang utos.

Tumango naman ako saka pumasok sa fitting room.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas muli ako.

"Ano ka ba naman, alam mo bang masamang isukat ng ikakasal ang gown. Lalo pa at malapit na ang kasal." Sermon ni tita Judy kay Juris.

"Hindi ko naman alam mom, ang dami-dami niyong pamahiin." Aburidong sagot ni Juris.

Ilang minuto pa kaming nag-usap-usap bago kami nagpaalam ni Juris na pupuntang mall.

Pagkarating namin ay inalalayan niya akong makababa.

"Ang laki na ng tiyan mo... Kailan mo ba balak magpacheck up?" Pagtatanong niya.

"Siguro sa makalawa nalang." Tipid kong sagot.

Tumango-tangong naman siya.

"Gusto mo bang ako nalang ang sasama sayo?" Tanong niyang mula.

"Hindi na, wag na. Maabala pa kita, lagi nalang kitang nasstorbo." Pagsagot ko habang naglalakad kami papasok ng mall.

"Ano ka ba, anytime akong free basta para sa inyo ng pamangkin ko." Aniya.

Pumasok kami sa bilihan ng gamit ng mga bata.

"Anong bibilhin mo rito? Wag mong sabihing buntis ka rin." Takang tanong ko.

Bumaling siya sa'kin at sumimangot.

"Loka-loka, pano ako mabubuntis sigi nga? At saka para sa baby mo, bibili na tayo ng mga damit niya." Galak niyang sabi.

"Hindi pa nga natin alam ang gender, pano kung lalaki pala o kaya babae?" Tanong ko.

Napalabi naman ito.

"Oh, di... Bumili tayo ng pang boy and girl na damit." Simple niyang sagot.

"Wala akong dala, Juris. Next time nalang..." Sabi ko.

Umirap siya sa akin.

"Duhh, kaya nga kita dinala rito para ako ang magbayad." Usal niya.

Tumingin-tingin na ito sa mga nakasabit na damit.

Theft of Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon