Friends.
"Hi, Miss beautiful. Can I sit beside you?" Napairap ako sa nagsalita.
"Tigilan mo nga ako, Yosef." Bumusangot ako.
"Can you please smile when I complement you? Nakakatampo ka na..." Tumabi siya sa akin.
"Pasensiya ka na, may problema lang ako." Humugot ako ng malalim na buntong hininga.
"What is it?" Umayos siya ng upo at hinarap ako.
"Kinuha na naman ni ate iyong perang iniipon ko, para sana pambayad ng tuition ko." Lumabi ako.
Nakakaramdam na naman ako ng lungkot dahil malapit na ang due date ng pagbabayad ng tuition.
"Don't worry, Dela, I have some extra cash. I can help you. " Humarap ako sa kanya, nakangiti ito.
Pumalangumbaba ako.
"Ano ka ba, hindi na... Kaya ko namang magdiskarte para roon." Tumingin ako sa kanya at tipid na nginitian ito.
"Ok, ganito nalang kung ayaw mong kunin ang pera dahil ibinibigay ko. So, isipin mo nalang na inutang mo sa'kin. It's that ok?" Pinakatitigan niya ako.
Wala akong choice, kung mag-iipon ako ulit. Malabong magkakasya iyon para sa tuition ko.
"Sige, pero babayaran kita kapag nakapag-ipon na ako ulit ha?" Lumawak ang ngiti niya.
"Alright!" Masaya niyang turan.
Si Yosef Shahiro Cavendish, kaibigan ko siya since unang pagtapak ko rito. Hindi ko alam kung saan kami unang naging magkaibigan pero ang masasabi ko lang ay napakabait niya, second year na ito. Lagi niya akong pinupuntahan tuwing break time, siya rin ang napagsasabihan ko ng problema sa buhay bukod kay mama.
Bukod sa mabait na, matalino, makisig at gwapo pa ito kahit na nakasuot lagi ng salamin ay hindi maipagkakailang may maipagmamalaki siya.
Lagi ko rin naririnig na kursunada siya ng ilang mga kababaihan dito sa loob ng university, na hindi ko naman sila masisisi.
"Tulala ka, sabihin mo lang kung nahuhulog ka na sa'kin Delaney, pwede naman nating pag-usapan." Nakangisi niyang pahayag.
Bumusangot ako.
"May muta ka kasi." Umiwas ako ng tingin,
"Liar, bago pa ako nagpunta dito, sinigurado ko ng mabango at gwapo akong haharap sayo." Maangas niyang turan,
Hinampas ko siya at sabay kaming napatawa.
Nagpaalam na siya at nagpunta na sa next subject niya, Engineering ang kinukuha nito na bagay naman sa talino niya. Ako naman Business Ad, kinakaya ko naman, at isa pa kung wala siyang gaanong ginagawa ay nagiging tutor ko ito.
Nandito ako sa next subject namin, second sem na rin at nairaos ko naman kahit mahirap.
"Alam niyo ba usap-usapan kanina sa hallway, may bagong transferee galing maynila." Rinig kong sabi ni Maris, classmate ko.
"Talaga ba? Anong year daw?" Kinikilig namang tanong ni Unice.
"Aba malay ko, basta lalaki daw." Impit na sigaw ni Maris.
Umiling ako, basta talaga lalaki itong dalawa nangunguna.
"Hoi Delaney, ano na? Anong sinabi ni Yosef?" Exited na tanong ni Maris sa akin.
Pinapatanong kasi nito kung interesado raw ba si Yosef sa babae, dahil mailap ito sa mga babae, napaka pormal nito sa iba pero ok naman pagdating sa'kin.
"Ahh ano..." Bahagya akong napakamot ng ulo.
"Ano?" Ulit niya.
"Hmmn, hindi ko natanong e pasensiya ka na." Nahihiya kong aniya,
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomantikMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
