Her man.
"Mahal..." Naalimpungatan ako ng may humahalik-halik sa pisngi ko minsan pa ay napupunta ang paghalik niya sa leeg kong naka exposed.
"Hmmn..." Paos kong pagsagot.
Ramdam ko ang paggalaw niya at pag-angat ng kumot.
Napa-igik ako ng dumagan ito, kaya napamulat ako.
Agad bumungad ang kakaligong si Yosef.
Ngumiti ito at mabilis na hinuli ang labi ko ng mababaw na halik.
"It's already 5:47 a.m, Mahal. May pasok pa tayo." Malambing niyang sambit sabay halik sa magkabilaang mata ko.
Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko at iniyakap sa leeg niya saka nito isinuksok ang mukha sa may leeg ko.
Balanse lang ang bigat nitong Ibinibigay.
Yumakap ako sa leeg niya at pinaglaruan ang buhok niya sa likod.
Dalawang araw na simula nung gabing dinala niya ako rito.
Sinabi kong hahanap nalang ako ng matitirahan pansamantala pero nagalit siya dahil pwede naman daw ako rito sa condo niya para mabantayan na rin ako ng maayos.
Kinabukasan non, nagpaalam siya sa'kin. May aasikasuhin daw lang siya kaya gabing-gabi na nung naka-uwi ito.
Tinanong ko kung bakit ang tagal niyang bumalik pero nginitian lang niya ako ng matamis at hindi sumagot, kaya kahit gusto kong malaman ay hindi nalang ako nagtanong pa.
Sunday kahapon, namili kami ng mga susuutin kong damit. Nakakahiya dahil ang dami niyang nagasto, pero mapilit ito at binili lahat ng kakailanganin kong gamit.
Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang pagdapo ng hininga niya sa leeg ko kasabay ng pagdampi ng mainit na labi niya.
Hindi ko napigilang mapatawa dahil sa kiliti.
"Ma-hal!" Hagikgik ko ng ulit-ulitin niya iyon.
"Shh, don't move." Bulong niya sa may tainga ko.
Natigilan ako ng may maramdaman ako sa may bandang puson.
Napakagat labi ako't hindi gumalaw.
Hinalikan niyang muli ang pisngi ko saka umalis sa pagkakadagan sa'kin.
Alanganin itong ngumiti at umiwas ng tingin.
"Hmmn, bangon na mahal." Patikhim niyang pag-aaya.
Bumangon naman ako, hinuli ang tingin niya.
Bumaling ito sa ibang direksiyon kasabay ng sunod-sunod na paggalaw ng adams apple niya.
Bumaba siya ng kama at dinampot ang salamin sa ibabaw ng table sa gilid at isinuot iyon.
"Halika na kakain na." Pag-aaya nitong hindi makatingin ng diretso sa'kin.
Bumaba ang tingin ko.
Napatikhim ako ng wala sa oras nang maakita kong namukol iyon.
Umiwas ako ng tingin at napapikit ng mariin.
Nabuhay ko yata ang kalakihan niya...
7 a.m na nung makarating kami ng campus.
Habang naglalakad ng magkahawak kamay ay maraming napapasunod ng tingin sa'min.
Hanggang ngayon hindi parin ako nasasanay sa ibinibigay na atensiyon ng paligid lalo na kapag kasama ko si Yosef.
Hinatid niya ako rito sa tapat ng class room namin.
Hinaplos niya ang gilid ng ulo ko.
"Hintayin mo ako mamaya." Ngiting aniya.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
