Chapter 8

653 24 0
                                    

Batuta.

"Luluwas na ako sa makalawa, Delaney. Kaya ikaw nalang muna ang bahala sa bahay, ha? Alam mo naman ang ate mo..." Sambit ni mama.

"Opo, ma." Sagot ko.

Naglalaba kami ngayon dito sa may ilog, pinagsuot ako ni mama ng puting bestida dahil dito narin kami maliligo mamaya pagkatapos naming labhan lahat ng damit namin.

Hati kami ng labahin ni mama, mga damit namin ni ate ang nasa akin. Habang nasakanya maman ang mga damit nila ni tito.

Kinuha ko sa tray ang short ni ate at isinunod ito, habang sinasabon ito ay may nahagilap akong laman ng bulsa ng short niya.

Dinukot ko ito at inilabas.

Sigarilyo...

Napakurap-kurap ako at mabilis na bumaling kay mama.

Mahina akong napatikhim at palihim na itinapon iyon sa kung saan.

"Kumusta naman ang panliligaw ni Yosef sayo, anak?" Biglang tanong ni mama.

Napangiti ako.

"Okay lang naman po, ma. Siya nga po pala, lalabas daw po kami bukas." Ani ko.

"Sige, basta wag kayong magpapagabi at delekado sa daan." Sabi ni mama.

Pagkatapos naming maglaba ay naligo na kami. Malinis ang tubig rito kaya kahit wag ng umulit mamaya sa pagligo sa bahay ay okay lang.

Pagkatapos naming maligo ay pumanhik na kami pa-uwi dala ang mga nalabhan namin.

Pagkabungad namin sa bahay ay bukas na ang pintuan,

Siguro, dumating na si ate.

Pansin ko rin ang itim na kotseng nasa lilim ng puno ng balete.

"Iwan mo nalang dito anak at ako na ang magsasampay, pumasok ka na sa loob at ng makapagpalit ka na." Sabi ni mama.

Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at inilapag ang dala ko.

Naglakad ako papasok. Pagkapasok ay napahinto ako.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko at napatigil.

Si Yaser...

Naka-upo sa sopa habang naka dekwatro at naka usli diretso ang mga mata niya sa'kin, pababa sa katawan ko.

Bakit nandito siya?

Ngumisi ito habang pinaglalaruan ang labi gamit ang daliri niya.

Nakapakislot ako ng binunggo ako ni ate, saka ulit lumingon sa'kin.

"Oh? Anong tinatayo mo diyan? Nagbabalandra ng katawan? Mahiya ka nga, kita mong may bisita ako." Mariin niyang bulong saka ako inirapan at naglakad patungo sa tabi ni Yaser.

Tumikhim ako ng mahina at walang imik na pumasok sa kwarto.

Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko kung paano niya ako pasandahanan ng tingin.

Napaka manyak!

Pagkapasok ay naalala ko ang pagtuhod ko sakanya kahapon.

Napapikit ako ng mariin.

Nararapat lang naman sakanya yun diba?

Huminga ako ng malalim at nagbihis na, nagsuot lang ako ng red na duster. Saka ko sinuklay ang buhok ko at hinayaan ilugay.

Napatingin ako sa labi ko, napakurap-kurap ako.

Pano ko sasabihin kay Yosef na nahalikan na ako ng iba?

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon