Chapter 11- (SPG)

925 29 1
                                    

Warning!!!
Medyo SPG~
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng seksyuwal at karahasan sa kilos at pananalita, na hindi naangkop sa mga bata pa.

Getting worse.

"Akala mo hindi ko napapansin ang palihim mong panglalandi kay Yaser!?" Galit na sigaw ni ate habang duro ako.

Gabi na ng dumating ito, at pagkarating ay ako agad ang kinompronta, habang nagtitiklop ako ng mga damit namin.

Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Ate, ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.

Magkahalong inis at galit ang namayani ngayon sa pustura niya, na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.

"Nagmamaang-mangan ka pa? Ang akala mo hindi ko napapansin iyang mga galawang mo kapag nakapaligid si Yaser? Bakit? Hindi ka ba makontento kay Yosef at pati kambal niya ay gusto mong agawin sa'kin!?" Sigaw niya.

Umiling-iling ako.

"Ate, ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Wala akong gustong agawin mula sayo." Paliwanag ko.

Napakislot ako ng agaran niyang hawakan ang buhok ko para itayo sa pagkaka-upo.

"A-aray ate!" Angil ko habang hawak ang palapulsuhan niyang nakasabunot sa buhok ko.

"Malandi ka! Napakalandi mo!" Galit niyang sigaw sa'kin tsaka inihawak pa ang isang kamay sa buhok ko at sinabunutan ako nito.

"A-ahh! Ate, tama na!" Pagpapatigil ko rito pero hindi niya ako pinakinggan.

Iniharap pa nito ang mukha ko at sinampal ng malakas.

Napapikit ako dahil don.

Pinagdikit ko ng mariin ang mga labi ko.

Sumosobra na siya!

Tumingin ako sakanya at walang pasabing sinampal din ito.

Nanlaki ang mata niya dahil sa hindi inaasahang pagsampal ko rito na pati ako ay nahimasmasan matapos kong padapuhin ang palad ko sa pisngi niya.

"A-ate, sorry..." Naiiyak kong paumanhin.

Lalo itong bumagsik sa galit at sinuhod niya ako para sakalin at iuntog sa pader.

"Bwisit ka! Attention seacker!" Hasik nito habang iniuuntog ako sa pader.

Pinipilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakasakal sa'kin.

Napaiyak ako ng sobrang sakit ng pang-uuntog nito sa ulo ko.

"Danna! Delaney!" Rinig kong hiyaw ni mama.

Tumigil si ate at binitawan ako kaya padausdos akong napaupo dito sa sahig habang sapo ang likod ng ulo ko.

Mabilis akong dinaluhan ni mama.

"Anak..." Nanginginig ang boses nito.

"Anong ginawa mo sa kapatid mo Danna!?" Galit na hiyaw ni mama.

Napahikbi ako...

"Kasalanan niya yan! Gusto niyang agawin si yaser sa'akin!" Pagbasag na boses ni ate.

"Hindi ganyan ang kapatid mo! At hindi sapat iyang rason mo kung bakit sinasaktan mo ang kapatid mo ng ganito! Hindi porket hindi ka niya pinapatulan ay ginagawa mo nalang lahat ng gusto mong gawin sakanya!" Galit na hiyaw ni mama.

Rinig ko ang mahinang paghikbi ni ate.

"Oo na! Ako na itong masama! Oo nga naman, napakabait nga naman iyang paborito mong anak! Siya lagi ang tama, tama lagi sa mata ninyong lahat!" Hiyaw nito habang umiiyak.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon