Chapter 12

761 22 0
                                    

Birthday party.

"We're here." Saad ni Yosef habang iniliko ang sasakyan papasok ng garahe.

Tumingin ako sa labas, rinig ko mula rito ang ingay sa loob.

Night club.

"This is where Juris chose to celebrate her birthday, but don't worry. Mga bisita lang naman ang nasa loob saka kasama mo naman ako." Paliwanag niya.

Tumango naman ako.

Bumaba siya, kaya naman tinanggal ko na ang seatbelt na nakakabit sa'kin.

Pagkatanggal ko ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kotse sa gawi ko.

Inilahad nito ang kamay kaya nakangiti ko iyong inabot.

Inalalayan niya akong makababa.

Hinawakan niya ang kamay ko, pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa entrance.

Ipinakita ni Yosef ang invitation sa bouncer na nagbabantay.

Pagpasok palang namin ay sobrang ingay na ng paligid.

Marami na rin ang nagsasayawan sa dance floor, nag-iinom sa may counter.

May mga naka hilera ring iba't ibang pagkain sa may gilid.

Puro kaedaran lang siguro namin ang mga narito ngayon.

Napahinto ang ilan at napatingin sa'min, tiningnan pa nila ako mula ulo hanggang paa.

Iniiwas ko nalang ang tingin at hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Yosef.

Naglakad kami papunta sa isang table na nasa gilid.

Limang tao ang naka pwesto roon, tatlong babae at dalawang lalaki.

Pagkarating namin ay agad na ngumiti iyong maganda at maputing babae.

Tumingin muna ito sa may control ng music at sinenyasan ito.

Nabawasan ang lakas ng music sa loob kaya nagkakarinigan na ang lahat.

"Yosef, yung regalo ko?" Pabirong bungad niya.

Bumaba ito sa pagkaka-upo at nagtungo sa gilid ni Yosef para halikan sa pisngi.

"Happy birthday, nasa bahay iyong regalo mo, kunin mo nalang sa bahay bukas." Sagot ni Yosef.

Tumango naman ito saka napatingin sa'kin at ngumiti.

"Siya nga pala, si Delaney soon to be girlfriend ko. And Dela, si Juris, my cousin." Pakilala niya sa'akin.

"Hi, nice to meet you." Ngiti ni Juris habang inilalahad ang kamay.

Ngumiti rin ako pabalik, saka inabot ang kamay niya.

"Happy birthday, nice to meet you too." Ngiti ko.

"Yosef, naks naman. Bago na naman ah." Nakangiting sambit nung isang lalaking kasama nila sa table.

"Loko-loko." Ngiti ni Yosef.

Lumapit iyong lalaki sa'min.

"Lego, pinsan ni Yosef." Pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay kaya ngumiti ulit ako at kinuha ang kamay niya.

"Oh, tama na yan." Angil ni Yosef sabay hawi ng kamay ni Lego.

Rinig ko naman silang nagtawanan dahil sa inaasta ni Yosef.

"Ang possessive mo naman, Yosef. Hindi ka naman dating ganyan sakin non ah." Rinig kong singit nung isang babaeng kasama nila.

Maganda ito at sexy.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon