Chapter 23

997 23 0
                                        

Trauma

"Miss. Almazan! Are you with us!?" Galit na sigaw ng professor.

Napalunok ako't kumurap-kurap.

"Kanina pa kita tinatawag! Your turn, hindi ka ba handa sa report mo!?" Dagdag niya.

Tinitingnan na rin ako ng mga kaklase ko.

"Inuuna siguro ang pag da-day dream." Rinig kong bulong mula sa likodan ko.

Napahawak ako sa notebook kong nasa ibabaw ng desk ko.

"Kung hindi ka handa, sabihin mo. Hindi yung nagbibingi bingihan ka riyan! Oh. Next! Ayokong sinasayang ang oras ko sa wala." Istrikto niyang sambit.

Lumunok ako ng ilang beses at tumayo.

"Ma'am, may I go out po." Sambit ko sabay lakad palabas.

Para akong lumulutang sa ere habang inihahakbang ang mga paa.

Isang araw na...

Simula nung mangyari ang gabing iyon.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.

Nagising ako kinaumagahan ng masakit ang katawan at mahapdi ang parte ko.

Pagkatapos kong mawalan ng malay nung gabing iyon...

Alam kong itinuloy parin nito ang panggagahasa sa'kin.

Nagising akong may saplot.

Iyong mga punit-punit kong damit ay wala.

Sinigurado niyang walang naiwang bakas.

Maliban ang mantiya ng dugo sa banig, tanda na nakuha niya virginity ko.

Pumasok ako ng Cr at binuksan ang nanginginig kong kamay ang isang cubicle.

Inilabas ko ang kanina ko pa pinipigilang iyak.

Humagulgol ako habang mahigpit na nakahawak sa skirt na suot ko.

Paano ko sasabihin kay Yosef ang nangyari?

Na ginagasa ako ng kambal niya...

Dumausdos ako paibaba at yumakap sa tuhod ko.

Pagkatapos ng buong araw...

Hindi ako kumain ng tanghalian at nagmukmok nalang sa loob ng classroom.

Pagka-uwi ko ay agad akong pumasok dito sa kwarto.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang phone.

Ini-open ko iyon.

Walang text or tawag mula kay Yosef...

Wala sa sarili kong idinial ang numero niya.

Itinapat ko ang cellphone sa tainga ko.

Naka ilang ring na na wala paring sumasagot.

"Sa-gutin mo, Mahal..." Pigil ang pagpiyok kong bulong.

Ilang sandali pa ay sinagot na nito kaya napatayo ako at napatakip ng bibig.

Kumalma ka Delaney...

Huminga ako ng malalim.

"Hello, Mahal. I'm sorry hindi ko narinig nasa bathroom kasi ako kanina. How's your day huh?" Malambing niyang tanong.

Tumikhim ako ng mahina.

"Mahal, diba ngayon ang uwi mo? Luluwas ka na ba?" Pigil iyak kong tanong.

Tumahimik siya ng ilang segundo.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon