Feelings.
"Delaney." Untag sa'kin ni Yosef.
Nandito kami sa bahay, nagprisinta kasi siyang tutulungan ako sa pagrereview.
"Are you okay?" Alalang tanong niya.
Lumunok ako at unti-unting tumango.
"Hmn, medyo nahihirapan lang akong pagkasyahin itong laman ng tones ko sa utak ko." Sagot ko nalang kahit wala pang pumapasok sa kokote ko kahit isa dahil sa pag-iisip ng nangyari sa Cr kahapon.
Buti nalang at pinakawalan din niya ako ng matapos niya akong paghahalikan, iyon ang unang halik ko...
At hindi ko lubos maisip na sa taong iyon pa napunta.
Nagpigil ako ng galit matapos siyang makalabas ng Cr, gusto ko siyang pagmumurahin at saktan dahil sa kapangahasan niya.
Pero kahit na gawin ko pa iyon, hindi narin naman maibabalik ang pag-angkin niya sa labi ko.
Umiling-iling ako...
Hindi na ako nakapagsumbong o umimik manlang at baka maging dahilan pa ng away nila.
"Wag mong biglahin, irefresh mo muna iyang utak mo. Mamaya nalang ulit, okay?" Malambing niyang saad.
Tumango naman ako.
Siya kasi ang gumawa ng reviewer ko, na madali ko lang maiintindihan.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni mama na papalapit sa amin habang may dalang meryenda.
Kami lang tatlo ang narito ngayon sa bahay, 7 p.m na ng gabi ay hindi parin dumadating si ate at kahit na napagsasabihan na ito ni mama ay palagi parin niyang ginagawa.
Si tito naman ay siguradong nasa mga kumpare niya iyon at nag-iinom.
"Okay lang po tita." Sagot naman ni Yosef.
"Oh, eto. Magmeryenda muna kayo, pasensiya ka na iho at ito lang ang naihanda ko." Sabi ni mama.
Ngumiti naman si Yosef.
"Okay lang po, wala pong problema sa'kin." Ngiti niyang sambit.
"Salamat ma." Aniya ko.
Tumango naman si mama.
"Pano ba yan, maiwan ko muna kayo." Paalam ni mama ng magsalita ulit si Yosef.
"Tita." Sambit nito kaya napatingin sakanya si mama.
Maging ako ay napatungo rin ang tingin rito.
"May, itatanong lang po sana ako." Panimula niya.
"Ano yun, iho?" Umayos naman ng tayo si mama.
Tumikhim muna ito bago tumingin saakin.
Tiningnan ko naman siya ng nagtatanong.
"Itatanong ko lang po sana kung..." Dagdag nito.
Gaya ni mama ay hinihintay ko rin kung anong sasabihin niya.
"Kung, pwede bang ligawan si Delaney, tita?" Walang pakundangan niyang tanong.
Kaya napakurap-kurap ako.
Napatingin naman sa'kin si mama, pagkatapos ay tumingin ulit kay Yosef.
"Kung, gusto ni Delaney, iho. Wala namang problema sa'kin, ang akin lang ay kung magkakaroon kayo ng relasyon, gawin niyo lang inspiration." Sagot ni mama.
"Kaya, sa bagay na yan. Kayo nalang muna ang mag-usap, walang kesyo sa'kin. Suportado ako dahil alam ko namang hindi mo siya sasaktan." Dagdag ni mama.
"Oh, siya. Pag-usapan niyo at maiwan ko muna kayo." Paalam ni mama.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomansaMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
