Emotions exploded.
"Yaser! Buksan mo to!" Iyak kong hiyaw habang pinipihit ang seradura ng pintuan ng kwarto.
Ilang beses na akong nagtangkang umalis sa poder niya, pero natutunton parin niya ako.
Dumating yung puntong nilolock niya ang pintuan ng kwarto kapag umaalis siya.
Ilang araw na akong hindi nakakapasok...
Dumausdos ako sa likod ng pintuan, inihilamos ko ang kamay sa mukha.
Sumapit ang tanghali ng bumukas ang pintuan.
Bumungad sa'kin ang isang matandang may dalang pagkain.
"Iha, kumain ka na." Sabi nito.
"Iniwan ka muna sa'kin ni sir Yaser dahil may importante daw itong pupuntahan." Dagdag niya.
Pinunasan ko ang luha ko.
"Nay, tulungan niyo naman po akong lumabas rito..." Pagsusumamo ko.
Inilapag niya ang pagkain sa ibabaw ng mesa.
Huminga ito ng malalim.
"Pasensiya kana iha, gustuhin ko man pero natatakot ako sa pwedeng gawin ni sir. Kabilin-bilinan niyang kapag hinayaan kitang makaalis rito, ako at pamilya ko ang mananagot." Saad niya.
Nawalan ako ng pag-asa.
"Iiwan ko nalang rito ang pagkain ha, kumain ka na." Maalumanay niyang sabi sa akin bago lumabas ng kwarto.
Tumingin ako sa hinanda niya, hindi ako nagugutom.
Gusto ko lang umalis rito...
Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pintuan.
"Nakaalis na si manang pero hindi ka parin kumakain?" Baritong boses niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Tinatanggal nito ang botones ng sleeve niya saka ito hinubad.
"Gusto mo bang subuan kita, mahal?" Malamyos niyang tanong saka kinuha ang tray at umupo sa gilid ng kama.
"Gusto ko ng umuwi." Walang kaemo-emosyon kong sambit.
Dinampot nito ang kutsara saka kumuha ng kanin at ulam sabay tapat sa bibig ko.
"Sige na mahal, kahit konti lang. Hindi ka pa kumakain simula kagabi." Malambing niyang usal.
"Yaser, hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko-" Hindi niya ako pinatapos.
"Narinig ko mahal, rinig na rinig ko." Aniya.
Nagsisimula na namang lumandas ang luha ko pababa sa pisngi.
"Ibalik mo na ako samin! Mahirap bang intindihing ayoko na rito, lalo pat kasama kita!" Pag-iyak kong hiyaw.
Agaran siyang lumunok at muling ngumiti.
"Sige na, baby. Say ahh..." Mahinahon niyang sambit at mas lalong inilapit ang kutsara.
"A-yoko. Ayoko na!" Galit kong sigaw.
"Mahal, kahit ilang subo lang-" natigilan siya ng tinabig ko ang kamay niya at sa galit ay na iwinaksi ang tray dahilan ng ingay ng mga nabasag.
"Ang sabi ko ayoko diba!?" Hingal kong hiyaw.
Naglapat ang labi nito at napahilamos sa buhok.
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at mabilis.
Tumayo siya at lumuhod para damputin ang mga nagkalat.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
