Warning!!!
SPG. Walang humpay na pagpapaalalang ito ay naglalaman ng ilang maseselang kaganapan.
At the car.
"Happy birthday, po." Nakangiti kong bati kay Sir Samuel.
"Thank you iha, Buti naman at nakapunta kayo nitong pamangkin ko."
"Kailan pa ako nawala sa birthday mo, tito?" Sagot ni Yosef.
Nakaangkla ang kamay ko sa braso niya ngayon, naka suot ako ng dress lagpas hanggang tuhod, sandals at itinali ko rin ang buhok ko, hindi na ako naglagay ng kung ano sa mukha ko dahil ayaw ni Yosef, baka daw agawin ako ng iba.
Sira talaga, e sakanya lang naman ako. Ako nga ang nababahala dahil sa karisma nito.
Naka suot siya ng white long sleeve na tinupi hanggang siko, black jeans at naka balat shoes.
"Oh siya, halikayo at pumunta tayo sa pwesto ng dad mo." Aya niya saka kami sumunod.
Karamihan sa bisita nila ay mga ka business partners nila.
Pagkarating namin sa isang table ay napatingin na kaagad ang dad ni Yosef.
Mas matigas ang pustura nito kumpara kay Sir Samuel.
Halatang strikto, sa tindi palang.
May kasama ito, namukhaan ko ang kausap niya.
Si Mayor Dome.
At sa gilid ay may mga guards na naka bantay.
Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Yosef.
Pagkarating namin ay agad akong ngumiti kahit kinakabahan.
Nasa amin na rin ang atensiyon nila.
"Have a pleasant night, by the way dad, this is Delaney, my girlfriend. And mahal, this is my dad and Ninong Dome. " Pakilala niya sa'kin.
Nanginginig ang labi kong ngumiti.
"Hello po sa inyo, masaya po akong makilala kayo." Nahihiya kong tono.
"Ito na ba ang girlfriend mo Yosef? She's beautiful huh." Puri ni mayor.
Inabot nito ang kamay, kaya naman madali ko itong kinuha ng bigla niyang dalhin ang likod ng palad ko sa labi nito para halikan.
Ramdam ko ang pagtigas ng katawan ni Yosef.
Napatulala ako.
Buti nalang at dahan-dahan niya rin iyong binitiwan.
"Magaling pumili ang anak mong ito, Benjamin." Sabi nito sa dad ni Yosef na seryoso lang.
"Saan pa ba magmamana kundi sa'kin din, hindi ko naman yan tinuruan na maghanap ng babae kung saan-saan nalang diyan." Pagsagot ng dad niya pero nanatili paring banayad ang pustura.
Tumaas ang tingin ko kay Yosef na tahimik na ngayon.
"Perfect na itong si Delaney para kay Yosef, besides nakay Delaney na ang lahat ng katangian. Right pamangkin?" Pagsingit ni sir Samuel at ngumiti pa sa'kin kaya gumanti rin ko ng ngiti.
Taas noong tumango si Yosef.
"Yeah, she's too much for me. And I'm thankful na sa akin niya ipinaparamdam kung gaano siya magmahal." Buong boses at may laman ang pagkakasabi niya ng katagang iyon.
"Thats good." Tumango-tangong sambit ni mayor saka ngumiti sa'kin.
"Oh. Itong si Yosef lang ba ang nandito ngayon? How about Yaser? Where is he?" Pagtatanong ni Mayor.
Uminom muna ang dad ni Yosef sa hawak nitong wine.
"I don't know, siguro nagpakalayo-layo na. Sakit lang sa ulo ang dala biya kapag nandito siya ngayon. And, wag na natin siyang pag-usapan pa." Pagsagot si Sir Benjamin.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomansaMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
