Bamse bear.
"Dela, nagugutom ka na ba?" Tanong ni Yosef habang naglilibot-libot kami dito sa loob ng mall.
Nakahawak kami ng tig isang ice cream.
Sinundo niya ako kanina sa bahay para sa date namin ngayon.
"Hindi pa, ikaw nagugutom ka na ba?" Tanong ko pabalik.
Nagtatanong ako e siya naman ang may gastos lahat.
Nakakahiya...
"Hindi rin hanggat hindi ka pa gutom." Ngiting sagot niya.
Tumingin siya saakin at huminto kaya napahinto rin ako.
Lumapit siya at iginaya ang kamay papunta sa gilid ng labi ko.
Dumikit ang hinlalaki niya sa gilid non.
"Ang kalat mo kumain." Natatawa niyang sambit.
Namula maman ako.
Napaka gentleman talaga nito...
"Sa-lamat." Nahihiyang ani ko.
Ngumiti lang siya tsaka kami naglakad-lakad ulit.
May mga bitbit itong pinamili namin.
Pinagsukat niya ako ng mga damit kanina, kahit ayoko ay pinilit ako nito.
Puro mamahalin iyon...
May nakita kaming upuan na sana gilid.
Naupo kami rito, ibinaba niya ang dala at may inilabas sa bulsa.
Cellphone...
"Picture tayo." Aniya saka ito ini-on ang cam.
Inayos nito ang salamin sa mata.
Umayos din ako ng upo, pagkatapos ay tumingin sa camera at ngumiti ng matamis.
Naka ilang shoots kami.
Nagtawanan pa kami sa pustura naming nasa screen.
Napatigil kami ng may tumayo sa harapan namin, kaya itinaas ko ang tingin ko maging si Yosef.
Si Yaser.
Prisente itong nakapamulsa habang nakababa ang tingin sa'amin ni Yosef.
Naka white shirt ito at maong short at white shoes.
"Babe! Sabi ko sayo antayin mo ako diba?" Nagtatampong boses ni ate na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.
"Oh, kuya. Bakit ka nandito?" Tanong ni Yosef saka ibinulsa ulit ang phone.
"Bakit? Bawal na ba ako dito sa mall?" Pabalang niyang tanong pabalik.
Tumikhim ako.
"Nandito din pala kayo, Yosef." Singit ni ate na nakapulupot na ang braso kay Yaser.
"Ah, oo. Dito kasi namin napiling magdate nitong si Dela." Sagot ni Yosef saka inaayos ang salamin.
Kinuha ni Yosef ang mga pinamili namin saka tumayo.
Kaya tumayo din ako.
Umiiwas ako ng tingin kay Yaser na malamig na nakatitig sa'kin.
Sarap sundutin ng mata niya...
Lumapit lalo sa'kin si Yosef at iniakbay nito ang libreng braso sa balikat ko.
"Saan kayo ngayon?" Tanong niya sa mga ito.
"Kung saan kayo, dun din kami." Simpleng sagot ni Yaser.
"Diba, manonood tayo ng cine?" Singit ni ate.
BINABASA MO ANG
Theft of Heart (COMPLETED)
RomanceMahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung siya na ang huli. At may mga tao namang nahuling dumating, pero hindi mo aakalaing siya ang napili ng tadhanang sa puso mo'y mamalagi. @dikaPi...
