Chapter 21- (SPG)

842 22 1
                                    

Warning!!!
SPG.

At night.

"Yaser, please. Ayokong makipag hiwalay." Rinig kong boses ni ate.

Pababa ako ng hagdan ng may marinig akong nag-uusap, kaya tumigil ako at tatalikod na sana ng marinig ko ang boses ni ate.

"Hindi ako nakikipag hiwalay." Malamig na sambit ni Yaser.

"Ta-talaga?" Masyaang tono ni ate.

"Dahil hindi naman naging tayo, I just want you to know that I'm done with you." Walang bakas ng emosyon sa boses ni Yaser habang sinabi iyon kay ate.

Napakapit ako sa bag ko.

Alam ko naman dati pa na wala sa itsura niya ang magseryoso.

Gusto lang nito ng makakalaro...

Gusto kong damayan ngayon si ate pero wala akong magawa dahil baka dumagdag lang ako.

"No, Yaser please... Wag namang ga-nito, Yaser!" Hagulgol ni ate papalayo.

Huminga ako ng malalim.

Alam kong hindi kami magkasundo at hindi tama ang pagtrato niya sa'kin bilang kapatid pero hindi naman yata niya deserve na saktan ng ganon...

Bagsak ang balikat ko habang nglalakad palabas ng campus.

Pang apat na araw ngayon ni Yosef sa manila, at hindi ito pumapalya sa pag-uupdate araw-araw kahit halatang pagod na pagod ito kapag tumatawag.

Marinig lang daw ang boses ko, pawi na ang pagod niya.

Nakakatawa lang at the same time, ang swerte ko dahil hindi siya nag-atubiling pumasok sa buhay ko.

Itinext ko rin siya kanina na uuwi na ako at magjejeep ulit pauwi.

Hindi pa siya sumasagot sa text ko kaya siguradong nasa kalagitnaan siya ng ginagawa.

Dumating ako ng bahay ng wala si tito.

Buti naman, ayoko kasi siyang madatnan dahil alam ko na ang ikot ng bituka niya.

Pagkatapos kong makapag shower ay nag luto na ako ng pagkain para mamaya.

Tapos na akong nagluto lahat-lahat...

Pero wala parin sila.

Ini-on ko ang cellphone.

8:46 p.m

Nag-aalala na ako para kay ate...

Papaulan pa yata dahil madilim sa labas.

Maya-maya pa ay may kumatok.

Siguro si ate na iyan.

Kaya naman tumayo ako sa pagkakaupo at nagtungo sa pintuan.

Binuksan ko ito.

Napakurap-kurap ako ng hindi si ate ang bumungad sa'kin...

"Ya-ser..." Utal kong sambit sa pangalan niya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niya.

Nakaipit sa daliri niya ang sigarilyo at may hawak na bote ng alak.

Napalunok akong itinaas muli ang tingin sa mukha niya.

Gulong-gulo ang pustura niya ngayon.

Nakatitig lang sa'kin ang malamig at malilikot niyang mga mata.

Halatang lasing ito.

"Anong... Anong ginagawa mo rito?" Kahit na kinakabahan ay pinilit kong maging buo ang boses ko.

Theft of Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon